Chapter 6 KAMAY

19.7K 417 21
                                        

AJ's POV

NAGISING ako at tulog pa din ang mga bata kaya nagtungo muna akong banyo ni Xian para maghilamos

Pag harap ko sa salamin ay nagulat ako sa itsura ko. Ang daming drawing ng muka ko, para ang halimaw tuloy

Lumabas uli ako atsaka napatingin sa Apat na natutulog. Nakita kong may hawak silang Marker

"Sorry Kids" sabi ko

Sinulatan ko din ang muka nila. Nang natapos na ay natawa ako ng malakas dahilan para magising sila

"Kids baba na, oras na ng lunch" sabi ko kaya wala sa sariling bumaba sila

Hindi din nila napansin ang itsura ng isat isa. Sumunod na lang ako, habang pare parehas may Drawing ang muka namin

Nang makarating sa sala ay bigla silang nagtawanan tsaka nagturuan ng muka kaya nakisali ako

"Hahahaha ang pangit mo Xion" natatawang sabi sa kanya ni Xian

"Hahahaha Mas lalo kana" sagot sa kanya ni Xion habang tumatawa

"Hahahaha, muka kayong mga Ewan hahaha" tawa sa kanila ng Triplets bakit ba palagi na lang silang sabay mag salita

"Ikaw kaya yun hahaha" sagot ni Xace

"Look at Ate AJ, muka syang Ewan na monster hahaha" tawang sabi ni Xyra

Binully nila ako pero ako tumatawa lang

"Hahahaha" tawa ko atsaka nilabas ang marker

"Maghilamos na kayo sa lababo sa kusina dahil kung hindi dadagdagan ko ang drawing sa muka nyo" sabi ko

"Ayaw namin" sagot ni Xyna

Tapos tumakbo na sila papuntang Kusina

Kaso pagdating don napahinto kami. Pano ba naman kasi naghahalikan si Sir tsaka Stacy

"EWW!" sabay sabay naming sabi tsaka mga napangiwi kaya napahinto sila

"Anong nangyari sa muka nyo?" Tanong agad ni Sir ng makabawi sa gulat

"Si Ate AJ sinulatan kami" sumbong ni Xyla

"Anong ako?, kayo kaya yun" sagot ko

At ayun napo para kaming batang mga nagtuturuan

"ENOUGH!" sigaw ni Sir

"BAKIT KAYO NANINIGAW?!" Sabay sabay na balik na sigaw namin

"Sinisigawan nyo ako?" Kunot noong tanong ni Sir

Kaya sabay sabay kaming umiling

"Pwede ba maghilamos na kayo, ang papangit nyo" sabad ni Stacy kaya napangiwi kaming Walo

"Maghilamos na kayo, nagalit yung mas pangit satin" bulong ko sa kanila kaya sabay sabay kaming natawa

"Anong nakakatawa?" Mataray na tanong ni Stacy

"Wala po" sagot ko

Iginaya kona ang mga bata sa lababo. Una kong hinugasan ang muka ni Xian

"Hayan, sobrang gwapo MO na uli" sabi ko sa kanya. "Kumain kana"

Tumango naman sya kaya hinilamusan kona ang tatlo. Pagkatapos ko silang hilamusan ay ako naman ang naghilamos

Pagkatapos kong maghilamos ay nilapitan kona si Xace para pakainin

"Hindi ka marunong mag kutsara at tinidor?" Tanong ko

"Obviously kaya nga nagpapasubo" sabad ni Stacy

"Pigilan mo ko Xace sasapakin ko ito" sabi ko

"Kukulamin ka nyan" bulong ni Xace sakin

"Tama ka" sabi ko

Tapos nag high five kami atsaka tumawa

"Okay, tuturuan kita" sabi ko at tumango naman sya

Iginaya ko naman ang kamay nya pero failed

"Magkamay ka na lang" sabi ko kaya napangiwi sya

"Kamay?, that's eww" sabi ng Triplets

"Mas maganang kumain pag nakakamay" sabi ko

"I want to try" sabi ni Xace kaya pinaghugas ko sya ng kamay

"Kumurot ka sa ulam atsaka mo ihalo sa kanin tapos kumuha ka lang ng kaya mong isubo" sabi ko

Agad naman nyang ginawa at na kaya nya

"Exciting" sabi nya atsaka nagpatuloy

Gumaya na rin ang tatlo atsaka nagkamay na mukang nagustuhan nila

"Honey, hindi mo ba sila patitigilin nakaka imbyerna eh" sabi ni Stacy

"Kids, use your utensils" sabi naman ni Sir Xavier pero di sila nakinig

Habang hinihintay ko silang matapos ay nag ring ang phone ko na agad ko namang sinagot

"Hello"

[Hey, Akisha]

"Oyy, captain any update"

[May lead kaming natanggap na nasa Baguio sya ng isang araw pero nakaalis na sya kanina]

"Okay lang yun, atlis malapit na ako sa kanya"

[But we have bad news]

"Ano po?

[Your kuya have a amnesia]

Agad ko namang nabitawan ang cellphone ko

"Are you okay?" Tanong ni Sir kaya ngumiti ako ng pilit

"Yes sir" sabi ko atsaka ko dinampot ang cellphone ko. "May gagawin lang po ako"

Hindi kona hinintay ang sagot nila dahil umalis na ako agad

'Bakit, kailangang mangyari to?'

I'm Babysitting the Billionaire's KidsWhere stories live. Discover now