Chapter 8

52 6 0
                                    

RAIDON

May iba't-ibang pwersa sa larangan ng siyensa. At batid kong alam ng lahat iyon. Sa banda, ako ang pinakatahimik at ang kuya ng tatlo dito. Kaya naman lahat napapansin ko. Magkaiba man kami ng kursong kinuha ay kilalang-kilala ko na ang mga ito simula pa noong mga high school pa lang kami.

"Sino kausap niyo?" Tanong ko sa dalawa dito na nag-seselpon.

"Jusmiyo Marimar!" Gulat na sabi Lester.

"Jusko naman Kuya!" Gulat ring saad ni Zero.

Ano ang problema ng dalawang ito? I was just asking? Ano ang meron sa reaksyon nila? I looked at them with confusion.

"Bigla-bigla ka ba namang magsalita diyan. Kuya Rai!" Reklamo ni Lester.

"Nakakagulat talaga kapag bigla kang nagsasalita Kuya Rai!" Sabat naman ni Zero.

"You mean, I still need to excuse myself before I talk?" Nagtatakang tanong ko. The two nodded in unison.

"Definitely!" Naka-tumbs-up na sabi ni Zero sabay pakita ng mapuputi niyang ngipin na siyang palagi niyang pinagmamalaki sa amin at ginagamit niya sa pagbihag ng mga kababaihan.

"Absolutely!" Sagot din ni Lester sabay kindat sa akin na wari mo ay chix na kikiligin sa ginawa niya.

Napatampal nalang ako sa noo dahil sa pinaggagawa ng dalawa at nilapitan ko sila para batukan. Napadaing nalang sila na parang mga bata. Yes, I barely talk but I'm observant enough to know almost everything without asking. Since I'm a psychology student, I need to understand and be observant to the nature of humans. Which is what I'm fond of. I can sense that the two are talking to their girlfriends in chat. I just asked to break the ice. Though I'm a silent person, I dislike awkward silence. Maaga kasi kami ngayong pumasok.

"Kausap ko si Rowena/Yushi," The two said at the same time.

"Jinx!" Parehas na sigaw nila ng sabay. Tumayo sila at niyakap ang isa't-isa. Kaibigan ko ba talaga ang dalawang ito? Para silang baklang nagyayakapan. Napatampal nalang ako sa noo dahil sa ideyang pumasok sa isipan ko.

Bumukas naman ang pintuan at niluwa nito si Jerick. Nakangiti ito na parang timang. These guys are turning gay. I can't take this anymore! My head is about to explode because of their reactions. Lester is smiling like an idiot while staring at his phone. Zero is the same but this time he is suppressing his laughter. Habang itong si Jerick na kakapasok lang ay nakaguhit ang ngiti sa labi na parang mapupunit na.

My phone suddenly vibrated. There is a call registered unknown. Sino naman kaya ito? I'm still not answering it until "missed call" is flashed in the screen. Followed by a message that made me sweat and my hands tremble as I opened the message.

Tangina bakit hindi mo sinasagot? Yawa ka!

I'm doomed! The one who called was my girlfriend, Earl. One of Mace's friend. She barely talk too but she is scary as the devil. How dumb of me not saving her number? Lagot ako sa babaeng ito. I dialed her number and called. I'm preparing my ears now...

"Are you with Jerick?" Mahinahong boses na tanong ng nasa kabilang linya. Earl is that you? Babe ano ang nakain mo? Biro lang hindi ko tinanong iyan dahil baka makatikim ako ng sapak.

Scientific Love Of MineWhere stories live. Discover now