Chapter 10

68 3 1
                                    

MACE

Sinamahan ako ni Ryzthelle sa locker room para makapagpalit na ako ng uniporme ko.

"By the way, bon your hair or tie it. Hindi pwedeng nakalugay ang buhok. Also apply light makeup. Since nasa service tayo, we need to look presentable," pagpapaalala niya.

"At ito pa pala. Bago ko makalimutan, black shoes tayo dito and keep it well polished. Iyon lang naman. Oh siya, magbihis ka na at babalik na ako sa pwesto ko. Bilisan mo ah!" Mabilis na sabi niya at tumakbo na pabalik sa pwesto niya.

Naiwan ako sa loob ng locker room at nakatingin sa salamin. Talaga bang itutuloy ko ito? May pera naman kasi kami pero I can't live with the money I didn't worked with kahit pa sabihin nating pera ng parents ko iyon. Hihingi lang ako kapag kailangan ko talaga. And nag-iiwan naman ng pera si Tito for my allowance sadyang hindi ko ginagalaw at naiipon ko lang na siyang naubos rin that's why I'm here.

Matapos kong makipagtitigan sa sarili ko sa salamin ay pumasok na ako sa CR para magpalit. Moments later ay lumabas ako at tinignan ulit ang sarili ko sa salamin. Maganda pa rin naman at bumagay sa akin ang uniporme. Tinali ko na ang buhok ko at sinuot ang coffee colored na cap.

"Alright, I'm ready. Kaya ko ito!" I whispered and did the fighting gesture. I felt awkward for what I just did kaya I acted normal again. Baka may makakita pa sa akin mahirap na.

Nang makita kong ayos na ako tignan ay pumunta na ako sa counter para masimulan ko na ang unang araw ko.

*****

ANTHONY

I'm currently making a single shot espresso for an Americano order for C3 while Ryzthelle is taking orders in C6. Though I am the owner of Amor Cafe, I'm also hands on with giving service to our beloved customers. I don't just do the papers, I also work as the head barista. My staffs are reliable but I love making coffee kaya I do it myself. And If there are newly employed, I do train them personally too.

I was about to ring the bell when Mace entered the counter. She was about to take the Americano I placed in a round tray when I signaled her to stop.

"Let Ryzthelle touch that," I told her calmly. She seem nervous I can see it because she's playing with her coffee colored apron.

"Come here. May ipapakita ako sa iyo," tawag ko sa kaniya. Dali dali naman siyang lumapit na wari mo ay kinakabahan talaga.

"Huwag kang kabahan. Hindi naman ako nangangagat," biro ko sa kaniya para maibsan ang kaba na nararamdaman niya ngayon.

"I-it's my first time doing a part-time job. Sorry sir," nakayukong sabi niya.

"Don't be sorry. Ganito nalang, hmmm why don't you just act my age," nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Okay lang po ba ang ganun? As much as possible, I want to act professional," She answered me straight in the eye that amused me.

"I treat my staffs here as a family so it won't bother if we'll be casual some time. But with the customers, professionalism should always be observed," I explained. Tumango naman siya sa sinabi ko at ngumiti.

"Let's start this training with the very first important thing. And that's to always smile," I told her.

"Okay sir!" Ngumiti siya at kinuha sa bulsa ng kaniyang apron ang maliit na pad paper. Sinusulat niya ang mga payo a kaniya. Napansin kong may nauna nang mga nakasulat. Siguro'y mga paalala ni Ryzthelle sa kaniya.

"I believe that Ryzthelle had mentioned to you how we should appear as service staffs here in our cafe. And I can see that you did what she said...Except for one thing," Batid kong alam niya ang tinutukoy ko. Kinagat niya ang ibabang bahagi ng labi niya ng paulit-ulit. Ginagawa niya ito para pumula. Siguro ay wala siyang make-up kaya ginagawa niya iyan. She's so cute with that lip bite. Gusto ko sanang matawa but I need to compose myself.

"Why are you biting your lips,Mace?" I asked her na kinagulat niya at umiwas ng tingin. "A-ah k-kasi.."I look at her nang may pagtatanong kahit alam ko naman na kung bakit.

"Hmm. You should stop that lip biting. You may attract other guest. For today, I'll consider this but make sure tomorrow—

Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay sumabat na agad siya.
"Yes sir! Bibili po ako agad mamaya. Maraming salamat po!" Masayang sabi niya. "Pasensya na po talaga. Hindi kasi talaga ako gumagamit ng ganoon. But I will try po," She continued.

Dahil tanghali pumasok si Mace ay hindi maaring ituro ko sa kaniya ang ginagawa kapag opening ng cafe. Kaya naman tinuro ko sa kaniya kung paano ang basic language sa service. Mga signals at code na ginagamit namin. Given that we are in the service industry, nararapat lamang na we please our guest, at isa na riyan ang hindi makaabala sa kanila. That's where the things I taught her takes place.

"Sir Anthony, C6 1 cappuccino," mabilis na sabi ni Ryzthelle nang lumapit sa aming counter kung saan tinuturo ko kay Mace ang napkin folding.

"Mace alam mo ba kung alin sa mga lamesang iyan ang C6?" Nakangiting tanong ko sa kaniya. "Iyon po ba?" Turo niya sa pinakagilid na bahagi sa kanan na malapit sa pinto kung saan may lalaking nakatikod. Tumango ako sa kaniya bilang sagot. Tinuronoo sa kaniya ito kanina. Nakakatuwang madali siyang matuto.

"Sir maari po bang ako ang gumawa ng kape at maghatid? Gusto ko pong subukan. I had enough of watching," sabi niya sa akin ng hindi nakatingin.

Sige," I answered.

MACE

Time check, it's 4pm. I was folding table napkins na tinuro ni Sir Anthony. When Ryzthelle came to us and ordered for a cup of cappuccino for table C6. I volunteered na ako nalang ang gagawa para naman hindi lang polishing ng cups, plates and cutlery lang ang ginagawa ko at pag-napkin folding.

"Sigurado ka bang ikaw nalang ang magbibigay sa C6?" Nag-aalalang sabi ni Ryzthelle. "I can do it if you want. Ayos lang naman na tumingin ka muna," She assured me that's its fine but I smiled at her. "I can handle this," I look at her with assurance. She sighed and then smiled.

"Okay then. That guy is a regular customer. He's always order cappuccino here. Medyo childish siya but I know you can do this. Fighting!" Pagpapakilala ni Ryzthelle sakin sa guy.

Kinuha ko na ang kape at nilagay sa tray. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa table C6. Kinakabahan ako pero kaya ko ito! Alam ko naman na ang sasabihin dahil tinuruan ako kanina ni Sir Anthony.

Nasa tapat na ako ng table C6 at nakatalikod sa akin ang lalaki. I then put the cup of cappuccino in his table.

"A cup of cappuccino to delight your afternoon. Mace is your barista for today. Any more orders Sir?" I confidently said. I'm convinced that everything I said was right. Not until...

"M-Mace?" Lumingon sa akin ang naguguluhang lalaki matapos banggitin ang pangalan ko.

"J-Jerick?" Gulat na sabi ko. What the hell is he doing here? Of all the Cafes in town? I can't afford anyone to know I'm taking part time jobs. W-why?!

Natataranta na ako kaya naman ay nagpaalam na ako sa kaniya. "It seems like you have no other orders. Enjoy your cappuccino Sir! If you excuse me, I need to go back to my station," matapos kong sabihin iyan ay sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero bigo siya. Bumalik na agad ako sa pwesto ko at pinagpatuloy ang iniwan kong mga tinitiklop na table napkins.

Bakit ba kasi nandiyan siya kahit saan? Jerick is everywhere! Nakakainis na ah! No one should know about this. Not even my uncle!

Scientific Love Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon