Chapter 6

63 6 0
                                    

MACE

Pabilis ng pabilis ang aking pagtakbo nang makalabas na ako sa cafe. Bawal ako maabutan ng ulan dahil yari talaga ako. Ayaw ko pa naman mangyari yun lalo na't nasa labas ako at mas lalong nasa kalsada na. Wala pa naman akong kasama. Kasing bilis ng takbo ko ang tibok ng puso ko. Bilis na para bang nasa isang karera ako o hindi kaya ay nasa isang labanan kung saan ako ay may kinakalaban na masamang nilalang. But scratch that kailangan ko pang bilisan dahil pumapatak na ang ulan!

The f*ck!!!

Sinusubukan ko pa ring tumakbo nang mabilis pero nanlalabo na ang paningin ko. Naiiyak na kasi ako. At tuluyan na nga akong tumigil at napaupo hindi ko alam kung nasaan na ako ngayon. Gusto ko lang umiyak ng umiyak. Naririnig ko na ang malalakas na busina ng mga sasakyan. Nanghihina ako at hindi ko magawang tumayo. Ang sakit ng ulo ko. Nahihilo ako.

"Hoy babae magpapakamatay ka ba!"

"Langyaaaa tumayo ka nga jan babae!"

"Ano ba?!"

Bumubusina na ang mga sasakyan. Nasa gitna pala ako ng kalsada. Malakas na ang buhos ng ulan. Patuloy lang ako sa pag-iyak dito dahil hindi ko magawang umalis. Hindi ako makatayo. Yakap-yakap ko lang ang sarili ko.

"Mace stand up! Come here, Dear," boses ng isang babae ang umaalo sa akin ngayon.

Sinubukan kong magtaas ng tingin upang makita ang mukha niya ngunit bigo ako dahil malabo ang paningin ko dulot ng patak ng ulan at luha sa mata ko. Tinulungan niya akong tumayo para makaalis kami sa gitna ng daan ngunit dahil sa sobrang panghihina ko dulot ng pag-iyak at panlalamig dahil sa buhos ng ulan ay nawalan ako ng malay.

*********

"Walang mama!"

"Walang daddy!"

"Kawawa ka naman!"

"Iiyak na iyan!"

Pawang iyak nalang ang aking nagawa. Palagi akong nabu-bully kasi totoo naman talagang wala na akong magulang. They died because of me. Kasalanan ko iyon.

"Hoy! Anong ginawa niyo sa kaniya?!" Sigaw ni Tito Ed.

He's with me sa simula pa lamang ng pag-iisa ko. Siya ang tagapagtanggol ko. As much as I want to protect my self but I can't. I'm too weak. Sana ako nalang 'yung namatay tutal wala naman akong silbi dito sa mundo.

"Umalis kayo kung ayaw niyong masaktan sakin," pagbabanta ni Tito sa mga nambully sa akin.

"Nye Nye Nye!"

"AHAHAHAH!"

"Iyakin!"

At nagsitakbuhan na sila matapos magpahabol ng pintas sa akin. Lumapit naman si Tito Ed at niyakap ako.

"You're not alone Jade ok?"

"I am Tito!"

"Wala na si Mommy! Si Daddy!"

"Wala nang silbi ang buhay ko!"

I cried hard while hugging my self. Napakakawawa ko. Ayaw kong kaawaan ako but here I am crying like a shit!

"You still have me Jade"

"Tito Ed will be your Mommy and Daddy,"

"Smile now sweetie! Hindi matutuwa ang mommy at daddy mo na nasa heaven niyan,"

"Tito Ed don't leave me ha?!"

I hugged Tito Ed and cried. He hugged me back and said the words that calms me.

Scientific Love Of MineWhere stories live. Discover now