CHAPTER 3

178 15 3
                                    

"Mace, gising na. Ano ka ba?" naalimpungatan ako sa matinis na boses ni Yushi habang niyuyog-yog ako para magising sa aking pagkakahimlay.

Pashneang pusang pula!!!

"What?" masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya at mataas ang boses ang pagtanong. Ginambala ba naman ako sa aking pagtulog. Natigilan si Yushi at napagtanto ang kaniyang ginawa. Ngunit hindi ito nagpatinag sa masamang titig ko.

"Oh? Huwag mo ko titigan ng ganiyan at sumama ka na sa akin. Kakain ka pa at malapit na magsimula ang klase natin," sabi ni Yushi. Nagtaka ako kung bakit ang tapang nito ngayon. Kasama niya pala sina Rowena at Earl na masamang nakatitig sa akin. Hindi ko pwedeng awayin 'to. Napabuntong hininga na lamang ako at sumuko.

Naku naman!

Papunta na kami sa Cafeteria para kumain. Napansin ko rin na dumarami na ang mga tao hays! Anong oras na ba? I checked my wrist watch and there 7:40 am na pala. Ang bilis naman ng oras. At kahit papaano ay nakatulog pala ako. Masakit rin kasi talaga ang tama ng bola.

My precious face!

"Suklayin mo na nga Earl ang buhok ng babaeng iyan," madiing sabi ni Rowena habang kinukuha ang baonan na may lamang breakfast ko ata.

Kung mapapansin ninyo Rowena is a good cook and acting mother to us. Very caring and mature kahit may jowa na 'yan hindi kami pinapabayaan. Lalo na ako, who has no one left for me but them. Wala na kasi akong mga magulang. They're the only family that I have and my Tito Ed.

"Here eat up," Maikling sabi ni Wena. Bad mood siya ngayon haha. I took the food and ate them as if someone's gonna take them away from me. Parang jowa lang iyan, kapag alam mong para sa'yo na ay sunggaban mo na para hindi na maagaw pa ng iba. Bakuran daw ika nga nila.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng biglang nagsalita bigla si Earl.

Ang alam ko nagsi-selpon lang ito eh! Nakakagulat rin talaga minsan ang babaeng ito. Nabilaokan tuloy ako!

"Bakit mamula-mula 'yang mukha mo?" tanong ni Earl.

Padabog kong nilapag ang kutsara at tinidor na aking ginagamit. Kumuha rin ako ng tubig para pakalmahin ang sarili ko. Nag-iinit na naman kasi ang ulo ko sa ginawa ng gagong iyon kanina!


"Sisihin niyo si Jerick!" Madiing pagbigkas ko sa pangalan ni Mr. Annoying.

"Ayieeeeeeee! Nakakakilig naman Mace!" Sabay na tili ng tatlong babaeng  kasama ko.


"Bakit kayo kinikilig diyan?" Asar na tanong ko sa kanila.


"Hinalikan ka ba?"

"Kinindatan?"

"Baka may ginawang nakakakilig si Jerick sa kaniya?"

Sunod-sunod ang paghula nila ngunit kahit isa wala man lang tumama. Napatampal nalang ako ng noo. Like— ano ba ang nakakakilig sa lalaking iyon?

"Seriously, girls?" asar na tanong ko. "Tinamaan ako ng bola kanina ni Jerick sa mukha! sa tingin niyo nakakakilig iyon?" naiinis na saad ko.

Sirang-sira na talaga ang umaga ko sa kaniya and my precious face!

"Awwtss!"

"Ouch!"

"Aray!"

Daing nila with matching action pa kunwari sila ang nasapol ng bola. Mga gaga talaga!

"Now tell me. Ano ang nakakakilig doon?" tanong ko sa tatlo habang sinusubo ang huling pagkain ko.

Scientific Love Of MineTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang