CHAPTER 1

657 28 17
                                    

NASA labas ako ngayon ng isang milktea house. Nagdadalawang isip kung papasok ba ako o hindi. Ayaw kong gumastos dahil nag-iipon ako para mabili ang isang libro patungkol sa chemistry na matagal ko nang gustong bilhin. Ngunit dahil sa mga kaibigan ko mukhang mapapagastos ako ngayon.

Binuksan ko na ang pinto ng milktea house at kaagad na pumasok. Dumiretso ako sa second floor kung saan kitang-kita ko sila sa aking kinatatayuan. Nasa usual spot namin sila, malapit sa glass window.

"Mace, Buti dumating ka!" masiglang bati sa akin ng isang babaeng  kulot ang buhok, maputi, maganda ang pares ng mata na kulay itim, at naka-liptint ito na kulay pula. Tawag ko dito ay "walking calculator". Matalino siya in terms of calculations.

"What can I do? Kinukulit niya akong pumunta dito." sagot ko kay Rowena sabay buntong hininga.

"Okay lang yan, Mace! Ayaw mo ba kaming makasama? Para ka namang hindi kaibigan," mangiyak-ngiyak na sabi ni Yushi.

Nagda-drama lang iyan!

Kilalang-kilala ko 'to eh.  Siya ang business minded kong kaibigan. Magasta dahil may perang kinikita. Fashionista rin siya ng barkada.

"Huwag mo akong drama-han, Yushirika! Hindi bagay sayo!" sabi ko sa kaniya at nilapag ko ang notebook at sling bag na dala ko sa lamesa at tumabi sa kaniya

"Alam ko kung bakit ka badtrip, Mace, HAHAHAHA!" pangaasar ni Earl sa akin.

Isang babae na mahaba ang buhok, matangkad, may morenang ganda at higit sa lahat pinaka-matalino sa grupo. Hindi kasi siya nag-aaral at palagi lang nagsi-selpon. Pero nagagawang mag-top sa klase. Tawag ko sa kaniya? "Einstein's daugther".

Sana lahat matalino!

"Buti alam mo!" maikling sambit ko sabay buntong hininga.

Umupo ako sa pinakamalapit na upuan katabi ni Yushi.

"Cheer up, Mace! Save your money at ililibre ka namin ngayon." nakangiting sabi ni Wena.

Agad na lumapad ang ngiti sa aking labi sa aking narinig. Sarap talaga sa ears ang salitang "Libre!"

"Libre mo, Yushi, 'di ba?" Tumatawang sabi ni Earl.

"Tunay? Walang halong biro? For real?" Natatawang tanong ko. "Period? Final? No erase? Sealed! It's a deal! Huwag niyo na subukang bawiin kung ayaw niyong putulin ko ang esophagus niyo!"

"Miss Kuripot ka kasi!" sabay nilang sabi sa akin.

"Ay wow! Grabe naman 'tong mga 'to!" Mataas ang boses na sabi ko. Sabay hampas sa braso ni Yushi. "Pasa mo sa kanila." at ipinasa naman ng gaga ang hampas sa kanila. Nagtawanan nalang kami matapos mapasa sa lahat ang hampas.

"Ako na ang bibili ng milktea natin. Alam ko na naman ang gusto niyo." Pagkukusa ni Wena at pumunta na sa counter.

"Salamat nga pala, Yushi, sa libre na ito. Gusto ko talagang bilhin ang nakita 'kong chemistry book doon sa National Book Store noong isang araw." Saad ko sa kaniya habang nakatingin sa labas.

"It's okay! And I understand, Mace, kaya shhh ka muna dahil nagchat ang bebe ko." kinikilig na sabi niya sabay kagat ng labi habang titig na titig sa selpon niya.

Sana lahat may jowa! na lamang ang katagang nasasabi ko pag-usapang jowa na.

"Magjowa ka na kasi, Mace! Hindi 'yang puro ka aral at mag-ayos ka rin kahit kaunti. Jusko ka!" reklamo ni Earl.

Ano ba ang mali sa pagiging single? Ikakamatay ko ba ang kawalan ng jowa? Kasalanan ko bang wala pang binibigay si Lord?

Napaisip naman ako. 19 years na rin pala akong palaboy dito sa Earth. Ngunit wala parin akong karanasan sa pag-ibig. But I don't find it necessary like how I need H2O and O to live!

"Alien 'yang si Mace!" Sabad ni Rowena na nagbabalik dala-dala ang milktea namin.

"Wala pa akong nakikitang tao nakapag-caught ng interest ko like how I'm into science." Pagpapaliwanag ko sa kanila. "And is being in a relationship that trendy para sabayan ko?  'Wag niyo akong i-pressure I prefer loving myself and you guys kahit may mga jowa kayo sana lahat nalang!" dagdag ko pa.

Napatampal na lamang sila ng noo nila.  Hindi naman na sila nakipag-debate pa sa akin. Mainam at hindi na sila kumontra pa. Wala talaga sa dictionary ko ang pagkakaroon ng jowa.

Tinusok ko ang straw ng milktea at ininom ito. Habang nakatingin sa labas makikita dito sa aking kinaroroonan na ang daming taong naglalakad at mga sasakyan na tumatakbo. May mga kabataan rin na nagtatawanan sa gilid ng kalsada. Sana palaging masaya ang lahat.


*****

Abala ang tatlo sa cp nila. Bebe Time daw? LOL! Napatingin na lamang ako sa labas. Napadako ang tingin ko sa gilid ng kalsada kung saan may lalaki at babae na naguusap. Hindi ko maalis ang tingin ko sa lalaki hangang sa umalis ang babae na kausap nito.

"Hay, sana lahat may jowa talaga!" bulong ko sa sarili ko.

Nagulat ako nang tumingin sa gawi ko ang lalaki. 

Bumilis ang tibok ng puso ko na para bang uminom ako ng walong baso ng kape! Why does my heart functions freakingly weird?! Ang bilis niya! It's thumping hard. And it palpitates pretty fast. I look away dahil hindi ko na kayang makipagtitigan sa kaniya .

May sakit na ata ako sa puso!

I give my hand to Yushi and ask her to check my pulse rate.

"Yushi, check my pulse rate!" Agad niya namang sinunod ang sabi ko.

"Hoy! Ba't ang pula ng mukha mo?" gulat na tanong ni Earl.

Baka kaba lang 'to?

Dahil sa milktea?

Yes,tama nga, dahil sa milktea lang 'to!

"Mace, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Rowena.

Sunod-sunod ang mga tanong nila't pakiramdam ko mabibingi na ako dahil tanging pagtibok na lamang ng puso ko ang aking naririnig. Muli ay binalik ko ang tingin ko sa lalaki na nasa labas. Nandoon pa rin siya. Napahawak ako sa dibdib ko at dama ko pa rin ang bilis ng tibok nito. Bakit ako nagkakaganito?

This isn't freaking normal anymore!

"How's my pulse rate?" tanong ko kay Yushi.

"It's beyond normal, Mace, 120 beats per minute! My gosh!" mataas ang boses na sabi ni Yushi.

"As far as I remember, 60-100 ang normal pulse rate!" dagdag ni Earl.

"What's wrong Mace? Kanina ka pa tingin ng tingin sa labas." nagtatakang tanong ni Wena.

"And who's that guy out there? Kilala niyo ba?" Wala sa huwisyong tanong ko sa kanila.

Why is this happening to me? I need to stop this madness! This fast heartbeat is nothing! Milktea lang 'to! Caffeine lang ito!

"That's Jerick Tabada, a BSED- Science student. Our blockmate, Mace. Hindi mo kilala?" pagpapakilala ni Rowena sa lalaking dahilan ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Ayieeeeee!" sabay na pang-aasar nilang tatlo.

"Stop that 'ayieeee' thingy! What you guys are thinking right now is freaking illogical!" pagreklamo ko sa kanila na parang bata na inagawan ng laruan. Sabay bato ng pillow sa kanila.

"How can you explain that unsual reactions of yours? It's obvious. Crush mo 'noh?" pang-aasar ni Yushi.

"Oo nga! Magkaka-lablayp ka na rin!" dagdag na pang-aasar ni Earl.

"Gora na, Mace! The long wait is over! Oh my G, I'm so proud of you!" naluluhang sabi ni Rowena.

Napatakip na lamang ako ng mukha. At inuubos kaagad ang natitirang milktea ko dahil sa kahihiyan. Are these girls even my friends?

I'm not inlove.

Am I?

NEVER!

Napatingin ulit ako sa huling pagkakataon sa lalaking nagngangalang Jerick. Nandoon pa rin siya at nagawa pang ngumiti sa akin.


W-wait! What? No! Why would he smile at me? Oh gosh! This is not happening!

Scientific Love Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon