Chapter 9

56 4 0
                                    

MACE

Umalis kaagad ako sa harap ng Jerick na iyon. At dumiretso kaagad ako sa field, my usual spot, I need to refresh my head bago ako pumasok sa klase. At sumagot ng quiz ni Mr. Monokuma na major class ko. Mainit pa kasi ang ulo ko sa pag-eskandalo ng isang obsessed fan ng manyak na si Jerick.

Kilala kasi talaga ang banda nila sa school kaya nang malaman kong isa pala siya sa miyembro ay alam ko nang mangyayari ang eksenang iyon kanina. Asa naman silang gusto kong makasama ang lalaking iyon noh?! Aish nakakapag-init ng ulo. Kainis!

Pinikit ko nalang ang mga mata ko at sinandal ang sarili ko sa punong sinisilungan ko ngayon. Buti nalang wala pang naglalaro ngayon at baka matamaan na naman ako ng bola!

Naramdaman kong may tao sa gilid ko kaya sumenyas ako ng "Alis!" gamit ang kamay ko nang hindi dinidilat ang mata. Ngunit hindi ata nakakaintindi ng sign language ang taong ito.

"I know you're not fine, Mace," mahinahong sabi ng isang babae na kilala ko. "The angel of the group again," bulong ko sa sarili ko.

"Yeah, masakit ang ulo ko dahil ini-stress ako ng isang obsessed fangirl!" I told her while opening a single eye then close it again. "As if I like his presence para awayin nila ako. If they want him, then they could have him for themselves. Wala akong problema doon. I'm not interested with him after all," I explained to her. This time nakatingin na ako sa kaniya. But her smile gave me creeps! "What's with that smile, Yush?" Tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isa kong kilay.

"I think Jerick is nice. You should give him a chance," sagot niya which made me cringe. CHANCE? since when did I do that? Only my friends whom I could trust. I can't welcome everyone kasi alam kong the next day, they'll bid goodbye. Kaya NO!

"I know what's in your head Mace. I'm not telling you to trust him fully, okay? How about get acquainted? Or get to know the person?" She explained while playing with her eyebrows on fleek teasingly. Ang kulit talaga ng babaeng ito. Pero bawal kong awayin dahil lagot ako ni Earl at Rowena.

"It's FINAL, Yush! And don't you ever dare convince me again kung ayaw mong magalit ako," pagbabanta ko sa kaniya. Pero tinawanan niya lang ako sabay sabing, "Sabi mo eh, pero Mace nakikita kong magugustuhan mo rin siya!" Kinikilig na sabi niya.

"One!" I counted. Alam na niya mangyayri kapag nagbilang na ako kaya dali-dali siyang nag-ala-zipper ng mouth niya.

"Punta na tayo sa classroom mag-take pa tayo ng quiz eh," She told me excitedly and grab my hand. As if makakapagreklamo pa ako. Umiling nalang ako at nagpatangay sa paghatak niya.

*****

"Good Morning class. I expect everyone of you reviewed your syllabus already, let's start the short quiz," anunsyo ni Sir Monokuma. "But before we do that, let's arrange your seats first. I have a seat plan here and this will be your permanent seats for the entire semester," dagdag pa niya. Wala akong pakialam sa seat plan chu chu na iyan kasi wala naman akong kakilala. At alam kong hindi ko makakatabi ang mga kaibigan ko dahil ang lalayo ng apelyido namin. Martin ako, Rodrigo si Yushirika, Villanueva si Earl at si Rowena ay De Leon.

"Ms. Martin stay in your seat," Pag-uutos ni Sir na ikinangiti ko. Buti naman at hindi ko na kailangan lumipat. May ten points ka sakin Sir! Pero siyempre biro lang iyan. Hindi ka pa teacher Mace, kaya maghunos dili ka.

Ngunit biglang gumuho ang mundo ko sa sunod na sinabi ni Sir. "Mr. Tabada sit beside Ms. Martin," sumunod naman ang nakangiting parang asong ulol na si Jerick.  Tuwang-tuwa pa siya ngayon ah! Tinignan ko ang mga kaibigan ko na nasa gilid at hindi pa nakaupo ay nakangiti rin nang nakakaloko. Mang-aasar na naman ang mga ito mamaya. Natapos na si Sir sa pagpapatupad ng seat plan niya pero ito pa rin ako, nakahawak pa rin sa sentido ko ang aking hintuturo.

Binabawi ako ang ten points mo Sir! Negative ka sakin!

Hinampas ko nang malakas ang desk ko na kinalingon ng lahat sa akin. Napatingin rin sa gawi ko si Sir at ang iba pa. Gulat na gulat rin ang katabi kong si Jerick.

"Is there a problem Ms. Martin?" Nagtatakang tanong ni Sir. "Ayaw mo ba sa katabi mo?" Natatawang sabi ni Sir na kinatawa rin ng iba.

Huwag ka magbiro diyan Sir dahil hindi mo ako bati. Buong semester hindi mo ako bati!

"Wala po Sir. Start na po tayo sa quiz," Palusot ko nalang sa kaniya. Natuwa naman siya sa aking sinagot kaya ipinasa niya na sa mga nasa harap ang test papers. "Okay let's start. Get one and pass. You got 30 minutes to complete this. And no cheating!" He announced. Ipinasa naman ng mga nasa harap ang test papers sa likod. Habang itong katabi ko ay nagawa pang mag-fighting sign sa akin na irap lamang ang tinugon ko.

Matapos ang labing limang minuto ay tumayo na ako. Pero kasabay ko ang lalaking ito. "Ayieeee!" Sigawan ng mga kaklase ko. Sabay kaming lumapit kay Sir at nang inabot ko ang answer sheet at test paper ko Sir ay nabangga niya ang kaliwang braso ko.

"Aray." Sabay naming daing ng biglang may kuryente akong naramdaman. "Sparks!" Malakas na bulalas ni Jerick. "It's static electricity, Jerick!" Reklamo ko sa sinabi niya. Tumawa lang si Sir habang nakatingin sa amin. Hindi tayo close Sir Hapon! Huwag kang tumawa diyan! "Bagay kayo," bulong ni Sir Monokuma sa amin.

"Sir, we're humans and not things. You're our Science professor and I know that you are well-educated with that. If you may excuse me," sagot ko kay Sir sabay balik sa aking upuan. Tumawa lang si Sir, "May chemistry!" Kinikilig na bulong niya kay Jerick na dinig ko naman.

"Iyong totoo, bakla ba si Sir?" Napatampal nalang ako sa noo ko sa tanong na sumagi sa isip ko.

****
Natapos ang morning class ko nang walang masyadong ginagawa puro discussions lamang at walang exam. Mabuti at hindi ako masyadong mapagod. Iyong short quiz kanina ay nasagutan ko naman pero nasa isip ko parin ang qoute na nakalagay sa test paper nj Sir Monokuma.

"Love is a chemical reaction, cannot be fully understood or defined by Science."

Well may point naman ang qoute dahil Love is an abstract word. Mahirap e-define iyon. Even I can't, ano ba naman kasi ang alam ko sa pag-ibig diba? Bakit love biglang sumagi sa isip ko? Pebrero na ba? Hays nevermind, I need to focus on my orientation. Pagdating ko sa cafe ay binati kaagad ako ni Ryzthelle, ang babaeng maikli ang buhok pero maganda na nakilala ko kahapon, still approached me with a smile.

But this time she's with someone. Naka-black polo shirt na may brown sa sleeve, brown apron at brown cap. Ito ang uniform namin since most of the staff is wearing the same.

"Nice to personally meet you, Miss Martin," The guy offered his hand for a shake which I accepted. I smiled and asked him, "Nice to meet you too,Sir?"

"I'm Anthony, the owner of the cafe," Nalaglag ang panga ko sa pagpapakilala niya. He looks young para maging entrepreneur. Ang galing!

Ryzthelle handed me our uniform para makapagpalit na ako. "This is it, Mace! Break a leg!" I motivated myself. First time ko magtrabaho tho I am capable of making coffee but being here is a change.

Mag-hi na kayo kay Anthony! Ehem may spark si Mace at Jerick. May chemical reaction kaya na nangyari sa dalawa? Abangan ang susunod na mga kabanata!

Scientific Love Of MineWhere stories live. Discover now