Chapter 5

80 8 1
                                    

MACE

SIRANG SIRA ANG ARAW KO DAHIL SA JERICK NA IYON!

Magbiro ba naman ng ganoon? Minsan talaga napapaisip ako kung nasa matinong pag-iisip pa ba ang lalaking iyon? Para kasing sira! At kung makabanat wagas. Hindi ko na tinapos ang klase ko. At alangan namang bumalik pa ako? Makikita ko na naman ang nakaka-asar na ngiti ng gagong iyon at maririnig na naman ang mga banat niya na gasgas na. May hugot rin pala siya sa mga scientific terms...but don't get me wrong it's not a turn on!

Naramdaman ko naman ang pagkalam ng sikmura ko. Hindi pa pala ako nakapag-lunch at kanina pa ako naglalakad dito sa kalsada. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Kinuha ko ang aking wallet at nakita ko na isang daan nalang ang natitira kong pera.

Manghingi kaya ako kay tito ng pera?

Pero nakakahiya naman sa kaniya...

I'm living alone with my yaya sa mansion. Wala na ang mga magulang ko dahil sa isang aksidente na ayaw ko nang alalahanin. Napakasakit sa akin iyon and it caused me trauma. Si Tito Ed ang nagsu-sustain ng needs ko. Pero kahit ganoon nahihiya akong humingi. Nilalagyan niya naman ang bank account ko but I don't want to spend that much. It's not my money. Tatlong part time job na ang napasukan ko pero hindi ako nagtatagal.

Maghahanap nalang ako ng panibagong trabaho na papasukan. Baka bukas makalawa itong isang daan ko ay ubos na. Mahirap pa naman ang buhay sa college sabi pa nila.

Napatigil ako sa tapat ng isang coffee shop. Ang pangalan ay Amor Cafe ( love thy coffee). Infairness ang ganda ng interior kahit mula lang dito sa labas. Vintage rin at Spanish inspired ang  cafe. Nanlaki ang aking mata ng makita ang nakapaskil na notice dito sa bintana malapit sa kinatatayuan ko.

URGENT HIRING!

Barista
Part time/ Full time
18 years old and above
$5 daily
Start Immediately
Paid Bi-weekly every saturday

5$ daily is not bad for me alone dahil hindi naman ako magasto. Marunong rin ako magtimpla ng iba't-ibang kape. Tito Ed taught me noong nasa high school pa ako. Kaya naman hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at pumasok ako sa cafe.

May babae na sumalubong sa akin. Maganda siya at maikli ang buhok. Ngumiti ito sa akin at bumati.

"Good morning Ma'am! What do you like to have today?"

"I'm not going to buy anything. I'm actually interested to apply as a barista. I saw the flyer outside. Is the position still available?" Nakangiting saad ko.

Lumiwanag naman ang mukha ng babae at hinatak ako papunta sa isang sulok na batid ko ay ang service area.

"May I know your name?" Mahinahon na tanong niya.

"M-mace, Mace Jade Martin-" Hindi pa ako tapos magsalita ay sumingit na siya na para bang nagmamadali.

"Diyan ka muna ha? At ipagbibigay alam ko kay manager ang application mo," mabilis saad niya at nawala agad siya sa paningin ko.

Ang weird niya? Pero never mind ayaw ko nalang pansinin ang pagiging kritiko ko sa mga tao. Nandito ako para mag-apply ng trabaho hindi maging judge.

Tama ang ginagawa mo self. Kailangan mag-trabaho para mabuhay. Tumingin-tingin ako sa paligid. Ang ganda talaga dito as in. Nakakagaan sa pakiramdam at ang ambiance is mala-pre-historic talaga. Spanish inspired!

Scientific Love Of MineWhere stories live. Discover now