Chapter 4

116 12 5
                                    

-----JERICK's POV-----

According to Antoine Lavoisier, mass is neither created nor destroyed in chemical reactions. Parang paghanga natin sa isang tao. Hindi natin alam kung kailan at sa kung paanong paraan natin ito natuklasan at naramdaman. Ngunit alam natin na hindi ito agad-agad na nawawasak o mawawala pilitin man nating itago at hindi paniwalaan.

"Love is neither created nor destroyed." bulong ko sa sarili ko.

Habang binabasa ang isang pahina dito sa syllabus namin sa Chemistry. Napangiti nalang ako dahil naalala ko na naman si Mace. Though ang sakit talaga ng pagkakahampas niya ng syllabus sa mukha ko.

Grabeh talaga sa akin si Mace. I don't know why she hates me? but it never annoys me. I liked her even more. Yup, Gusto ko si Mace. She's different.

Since that day, I first laid my eye at her in a milktea house. Kitang-kita ko siya sa aking kinatatayuan sa labas habang nag-aabang ng taxi papunta sa headquarters ng 'De Scier'. Ate Mir even saw how I look so amazed with her beauty.

Tinanong ko pa nga sa kaniya ang pangalan ni Mace. Her name suits her. Inasar pa nga ako na ligawan ko raw at ipakilala sa parents namin. I just laughed with the idea kasi hindi ko alam kung mapapansin niya ako dahil hindi niya naman ako kilala. Hindi naman nagtagal si Ate at umalis rin kaagad siya that time dahil pinapauwi sa bahay ni Daddy.

Nagkatitigan kami noon ni Mace and that made me see her beautiful face. Ang ganda niya ngunit mukha siyang masungit. I gave her a wink before I left the area. I was smiling hangang sa makarating ako sa 'De Scier'.

***

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa headquarters ng 'De Scier'. Tapos na kasi ang morning class namin. Wala kaming afternoon class so doon na ang diretso ko. Hindi na bumalik si Mace after slapping me with her syllabus. Masakit pa rin talaga ang mukha ko kaya nakabusangot akong naglalakad nang maabutan nila Raidon at Lester sa tapat ng headquarters.

"Oh, ano'ng mayroon sa mukha mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa? May umaway ba sa'yo, Baby boy?" Bungad na tanong sa akin ni Raidon.

"Nabastid iyan!" Tumatawang sabad ni Lester.

"Talaga? Sino naman ang babastid sa gwapo nating lead guitarist and vocalist natin? Kawawa ka naman, Baby boy." Pang-aasar ni Kuya Raidon.

"Sabi ni Yushi ay nahampas daw iyan ng syllabus sa mukha. AHAHAHA!" Natatawa pa ding sabad ni Lester.

Sige, pare, tuloy mo lang 'yan!

"Awts!" Umakto naman ang mga loko na kunware sila ang nahampas ng syllabus.

"Sino naman ang kauna-unahang nanakit sa Baby boy natin?" Pang-uusisa ni Kuya Raidon na akala mo ay bata ako na inaway ng kapit-bahay.

"Sino pa ba? Edi si Mace the Sadista. AHAHAHA!" Puro tawang sabad ni Lester.

"Buti pa si Yushi my labs, hindi mapanakit," pagmamayabang ni Lester.

"Si Earl din hindi pero palamura nga lang. At least hindi nananakit," dagdag pa ni Raidon.

Edi kayo na may jowa!

Bakit ba ang hilig mangbida ng jowa ang mga ito? They always make me feel single everyday. Though I have this girl that caught my attention for the first time--Mapakit nga lang. Iiyak na ba ako at sasayaw ng "It really hurts"?

I just composed myself dahil nasa tapat na kami ng pinto na kulay itim. May nakasulat ditong "De Scier" kaya pumasok na kami.

Pagpasok ko ay ang bumungad sa akin ang pinakamagandang lugar sa buong buhay ko. I call this my home. Isang malawak na hall na puno ng mga instruments and sound system.

May lalaki naman na nagsiset-up ng mga gamit namin. Si Zero ang aming bassist. Nagsa-sound testing, drum testing, mic testing and everything siya nang maabutan ko.

De Scier is a band with 4 members founded by Almira Tabada, my sister. How to pronounce De Scier? simple, it is pronounced just like how you say the word "desire". De Scier doesn't literally mean desire. Our fans also said that we are what they desire. It comes from two words. De in dutch is "the" while Scier is the greek word for "science" which means 'to make'. If we are to play with the words, we'll come up with a slogan that says "The Science, to make desire", does it make sense?

"Bro!" Tawag sa akin ni kuya Zero. Lumapit ito sa akin at iginaya ang daan papunta sa sofa.

"So...who's the lucky girl?" Tanong neto sa akin.

"Mace Jade Martin," mabilis pa sa kidlat na sagot ko.

"BWAHAHAHAH!" Halos humiga na sa sahig sa kakatawa si kuya Zero. Naluluha nga ang mata niya sa pagtawa. Sinabayan naman ng dalawa dito sa likod ko.

What the hell is wrong?!

"Kuya Zero stop laughing. You're hurting me. What's wrong with Mace?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. "And you two, ano ba ang nakakatawa?" Dagdag ko pa.

"Chill, Baby boy," natatawa paring sabi ni Raidon

"Oo nga relax ka lang, Jerick" dagdag pa ni Lester.

"I'm just happy for you bro," nakangiting saad nito. "Sana kayanin mo ang ka-sadista-han ni Mace," dagdag pa niya.

"Of course! I won't give up on her," seryosong sabi ko.

"Mace may look tough outside but she is fragile inside Jerick. You better know her and protect her at all cost," seryosong saad niya.

"How well do you know Mace bro?" I asked curiously.

"Not that much, pero kinukwento siya sa akin ni Rowena," sagot niya.

Oo nga pala. Jowa nila ang friends ni Mace. Si Lester kay Yushi. Si Raidon kay Earl. Habang ito naman si Kuya Zero ay kay Rowena. Huwag lang talaga nila subukang agawin pa sa akin si Mace dahil hindi ko alam ang mangyayari kapag inagaw nila ito sa akin. Kahit anong mangyari kahit pa palagi niya akong masaktan I won't stop. My love is like mass, it's never created nor it will be destroyed.

Napabalik naman ako sa wisyo ng simulan nang hampasin ni Raidon ang snare drum at pinatunog naman ni Lester ang gitara niya. Ngumiti ako at kinuha rin ang gitara ko na nasa gilid. Tumayo naman si kuya Zero para patugtogin ang kanyang bass guitar. Pinatugtog namin ang Walang Iba ng Ezra Band.

Unang berso palang napapangiti na ako kasi ganitong-ganito talaga kami ni Mace. Ngunit hindi ko alintala lahat ng iyon dahil gusto ko siya. Hindi! Mali! Mahal ko na siya. It may sound corny and funny. Na ang bilis ko siyang mahalin ay wala akong pakialam. This is what I trully feel.

Kumakanta ako ngayon ng buong puso. Sana marinig niya. Sana magkaroon ako ng pagkakataon na marinig niya akong kumanta para sa kaniya. Siya lang ang kakantahan ko ng buong puso. Walang iba at tanging si Mace Jade Martin lang ang aking iibigin.

Natigil kami ng biglang tumigil si Raidon sa pagtugtog. Nilingon ko siya mula rito sa aking pwesto at sumenyas naman ito nang paumanhin dahil may tawag raw.

"WHAT?!" Gulat na sigaw nito habang nakatingin sa akin.

"Ano ang problema Rai?" Nagtatakang tanong ko.

"Si Mace---" hindi na natuloy ni Raidon ang kaniyang sasabihin dahil agad akong tumayo at kinuha ang cellphone niya para kausapin ang nasa kabilang linya.

"Papunta na ako diyan," sagot ko kaagad sa tumawag.

Kinuha ko ang aking cellphone at jacket na nasa couch at umalis kaagad.

"Oy pare---" tawag nila sa akin ngunit huli na dahil nakalabas na ako. Kailangan kong mapuntahan si Mace sa lalong madaling panahon.

Damn!


Ano kaya ang nangyari kay Mace?

Scientific Love Of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon