Chapter 42

2K 132 6
                                    

Trigger Warning: RATED 16

Baguio

"My skin is burning when are we planning to move? Next year? It's 2021 Already! I can't afford another 365 days!"

"Maghintay ka kalalaki mong tao tas ang arte mo!"

We finally made it outside the hotel. Alas 4 na at papalubog na rin ang araw. Kailangan na namin makarating sa airport at dahil ayaw ni Chan maglakad papuntang sentro ay nagabang nalang kami ng taxi sa labas.

Mabuti nalang kanina napakiusapan ni Titan ang mga pulis he didn't even do a thing just a small talk and we're good to go. Chan keeps on insisting he's been kidnap sa mga pulis but they won't listen. Kailangan ko pa siyang kausapin na nasa peligro ang buhay namin. It's not that he doesn't understand ayaw niya lang talaga kay Titan and now no choices for him kung hindi ang pakisamahan kami.

"Come on what's taking us long? My leg is hurting already!" Chan muffled. Napatingin akong muli sa kanya na ngayo'y masyadong naiinip na. He cross his arms at umismid halatang hindi siya nasisiyahan sa nangyayari.

Titan looks at him frantic na ngayo'y naiinip na rin dahil ni isa'y walang taxi na dumadating.

"You two stay here, ako nang bahala kumuha ng taxi!" I suggested to Titan pero umiling ito sabay tingin sa relo niya.

"No it's getting late, kailangan na natin tumulak!" muli niyang saad. He's quite serious now at mukhang kailangan na talaga naming magmadali.

Our flight will be an hour now at dahil rush hour ngayo'y hirap kaming makakuha ng sasakyan.

Titan walks us to another alley hanggang sa marating namin ang isa nanamang sakayan and now from what i'm seeing, Chan's face is as surprise as hell.

Isang jeepney ang nakaparada sa sakayan. Ilang mga pasahero na ngayo'y nagtutulakan na ang pumapanik dito. Ilang matanda pa ang naiipit dahil sa sobrang pagmamadali ng iba. I wonder when will respect be fully served. Ilang kabataan ang naguunahan doon ni wala man lang pakialam sa matatandang gustong sumakay. Indeed this place is stressing.

"Are you kidding me?" Chan's eyes widened at ngayon pa lang ay alam kung hindi siya nasisiyahan sa nakikita. Sa hitsura niya'y mukhang ngayon pa lang siya nakakita ng ganito and I know he will not opt to it. Laking London siya and I don't even know if he have ridden jeepney back then.

"Oh sir sakay na lima pa ang kasya! Ate umusog nalang kayo may sasakay pa!"

Umalingawngaw ang boses ng kondoktor ng jeep calling the three of us to ride. Halatang masikip na ang jeepney maging ang kahera ay wala ng maupuan but from what i'm seeing right now looks like we don't have choice but to opt to.

Titan stood still at pinasadahan kami ng tingin. Tumitig ito kay Chan at ngayo'y nakataas na ang dalawang kilay habang nakapamewang.

"Oh ano pang hinihintay mo? Sakay na!" diritsong saad niya kay Chan na ngayo'y iritado na.

"Are you fucking kidding me?"

"Oh ano? Mag iinarte ka nanaman? We're getting late. Sanay kami ni Caleb mag jeep at ikaw dapat masanay ka na rin!"

"You idiot it can't cater us! Plus i'm not being maarte we should have grab a train!"

KAHAPON (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon