Chapter 13

3K 187 1
                                    

Helix Ladder

Isang araw ang nakalipas after settling everything. Mula sa isang maliit na pad ay dito na nga ako nakatuloy sa condo ni Joey. Perhaps what they say is true life is unpredictable, sino ba naman ang magaakala na dito pa talaga ako maninirahan this school year. Siya ang taong pinaka ayaw ko sa campus noon pero look what happened talagang mapaglaro nga talaga ang kapalaran.

Sinulyapan ko ang aking phone, 7:30 na pala ng umaga and today is monday kaya maaga ang schedule namin and as far as I can remember research ang unang unit kaya may pasok din si Joey ngayon, malamang kaklasi ko nga siya diba shunga lang. Napabuntong hininga nalang ako sa sarili ko.

I placed some of my school stuffs sa bag ko. Malayo layo pa ang lalakarin ko mula sa sakayan kaya kailangan ko ng magmadali.

Lumabas na ako from the guest room kung saan dito ako pinatuloy ni Joey at ito na rin ang magiging room ko for the rest of the school year.

I put on my white shoes para e pair ito sa black jeans na su'ot ko. Isang simpleng tshirt lang din ang su'ot ko kung saan may tatak ng logo ng University.

I was about to go nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Sabay na tayo"

I tied my shoelace properly, hindi ko na muna nilingon si Joey. Pero infairness ang aga naman ata niyang gumising.

After tying my shoelace ay lumingon ako to face him at taliwas sa inaasahan kong bihis na Joey ay tanging boxer nanaman ang naka balot sa katawan niya.

"So papasok ka na naka boxer?" Pangaasar ko sa kanya.

Umupo siya sa isang chair beside him. Ang ilan sa hibla ng kanyang buhok were now blocking his eyebrows. His body was so much defined. Napalunok nalang ako as I stare intensely from his head down to his OMG stop Caleb.

"Enjoying the view?"

I almost lost my sanity. Mabuti nalang at binasag niya ang delusion ko pero wait what no way.

"What did you say?" I asked back

"Baka matunaw ako sa mga titig mo" sa'ad niya na ngayoy nakangiti na.

"For Pete's sake Joey anong oras na late na tayo" hysteric kong sabi.

"Give me 5 minutes" he retorted.

Umupo ako sa couch waiting for him na matapos. I surf using my phone. I texted Audrey to prepare our related articles for our research agad naman siyang nagrespond with matching sets of emoji.

I wander my eyes all over the room ng makita ko ang isang decorative soccerballs na nasa dulo. I took a picture on it. I do some editing sa VSCO at pinost ito sa timeline ko. Ang cute kasi ng pagkaka arrange sa bola tila ba spiral tower that reminds me of Disney.

----

Sinulyapan ko ulit ang oras at nanlaki ang mga mata ko when the display projects 8. Fuck! 30 minutes na pala kaming late

I hurriedly went to Joey's room kinatok ko ang pintuan niya bago ko siya sinigawan.

"Joey we are 30 minutes late bilisan mo naman ang bagal bagal mo" I screamed habang nakatayo pa rin sa pintuan niya.

"Joey ano ba!" Hysteria ko sa labas ng kwarto niya.

Ilang minuto pa rin akong nakatayo sa labas ng pinto pero hindi pa rin siya nagrerespond sa mga sigaw ko.

"Joey late na talaga tayo" sa'ad ko.

Gusto ko sana siyang sigawan at sermonan gaya na lamang ng ginagawa ni lola sa'kin noon pero hindi ko magawa shempre ako na nga tong pinapatira ako pa tong matapang. Siguro mas makakabuti if i'll go ahead.

KAHAPON (BxB)Where stories live. Discover now