Chapter 3

4.1K 218 8
                                    

"Remember your parents, they have survived their schools necessity without the use of "google" to help them, without any electronic source rather than theirselves doing oral research but at the end of the day they have succesfully completed their required output."

Nagpatuloy sa pagsasalita si Mrs. Aduke, lunes ngayon at sa kasamaang palad siya ang unang magkakaroon ng session. Magdadalawang araw na matapos ang mga pangyayari, matapos ang pagkakalat ko sa bahay ng mayabang na Iskolar na yon. I hate him so much we don't talk that much sa klasi pero palagi niya akong sinasamaan ng tingin. I wonder ano bang atraso ko sa kanya. At dala ng mga pagbabanta niya at dahil na rin sa kagipitan ay napapayag niya akong manilbihan sa condo niya. Malaki ang condo niya pero organize naman walang masyadong lilinisin kaya choosy pa ba ko? Mamamasukan lang ako sa condo niya pero hindi ako titira nakiusap ako sa kanya na mas maigi kong sa pad nalang ako kapalit non ay ang pagpayag ko na maka grupo siya sa research.

"And now proceed to your groups"
diin ni Mrs. Aduke.

Gumayak na ang iba sa kanilang kanya kanyang mga grupo habang ang iba ay tila di pa alam sa sarili kung saan tutungo. Nagsilapitan na rin ang iba ko pang ka grupo.

"Sorry ma'am late ako"

For sure si Iskolar na naman ang late sa klasi may iba pa ba.

"Why are you late Mr. Rayz Tolentino?" pagtawag ni Mrs. Aduke.

Paglingon koy si Rayz pala. Mayamaya pa'y bumukas ulit ang pintuan at iniluwa nito ang dakilang Joey Iskolar.

"Ikaw na naman Iskolar. Aba ang aga mo naman ata para sa second period." diin ni Mrs. Aduke.

"Sorry ma'am late akong nagising" walang emosyong sabi ng mokong na Iskolar.

"I apologize Mrs. Aduke, I have works sa publication office at medyo natagalan" saad naman ni Rayz habang confident na nakatayo.

"At saang grupo kayo?" malakas na tanong si Mrs. Aduke sa dalawa.

Ibinaling ko ang aking tingin kay Iskolar, ang kanyang mata ang sumalubong sa akin. He darted his sight towards my direction titig na titig siya as if a predator that ready to terminate his prey. Nakakailang ang mga titig na yon. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ngayon ay si Rayz naman ang tumingin sa'kin. Ang kanyang mata ay makahulugan na para bang sinasabi niya sa'kin na siya ang piliin ko. Nakapamulsa siya, hindi mapagkakaila ang kanyang angking tindig. Ayos na ayos ang buhok ni Rayz, masyadong presentable ang dating, sukat na sukat sa kanya ang puting polong suot niya.  Samantalang si Joey Iskolar ay plain v-neck lang ang suot dikit na dikit sa kanyang katawan as if a second skin dahilan upang mas makita ang detalye ng kanyang katawan. Women may flock to him due to the mystique that surrounds his persona. Pamatay ang kanyang mga tingin, mababakas sa kanyang suot ang perpekto niyang katawan na akalain mo'y Adonis kung pagmasdan. Idagdag mo pa ang yaman na meron siya. Their family is defined by their status in life as being the apex of success with all of the money in the world in their bank account.

Isang katahimikan muna ang nanaig sa silid bago tuluyang nagsalita ang dalawa.

"Caleb's group" sabay na sabi ng dalawa dahilan para mapahawak ako ng mahigpit sa kinauupuan ko.

"Eh pito na kami baby boys, isa na lang ang kulang" maharot na sabi ni Ashley. Aba pa bet ang ate mo.

"Iww tigil ka Ashley ang sagwa" pagsuway ni Audrey sa kanya.

"Mas masagwa ka ang baduy mo kaya" sagot naman ni Ashley sabay irap kay Audrey.

"Mangga"

"Anong mangga?" pataray na sabi ni Ashley sabay irap.

KAHAPON (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon