Chapter 2

4.2K 236 5
                                    

My eyes flicker open, direktang nakatuon ang aking paningin sa taas. A white ceiling na may maliit na chandelier na hugis bulaklak ang porma pero teka shit kailan pa nagkachandelier sa pad. Ibinaling ko ang aking mata sa loob ng silid.  Isang malawak na room, may mga paintings na nakapalibot, may malaking cabinet, may mga medals at trophies at soccer balls. Isang nespresso machine at ang sandamakmak na decorative bed pillows na nakapalibot sa akin. Parang mid century decorative design type. Teka saan nga ba ako I press my forehead pilit inaalala ang mga pangyayari kagabi shit di naman siguro to mangyayari kung hindi dahil sa alak na malay ko kong may MSG na nilagay.

Mayamaya pa'y may tumunog, pintuan ata pero nanggagaling sa loob.

Paglingon ko'y tumambad sa'kin ang isang katawan. Ang bawat patak ng tubig mula sa kanyang buhok ay umaagos pababa sa kanyang katawan.

One feature makes him so handsome, his eyes that was so captivating as he comes closer. People often speak of the color of eyes, as if that were of importance, yet his would be beautiful in any shade. He moves swiftly with intensity and gentleness. It makes me want to feel how his lips move in a kiss, how his hands follow the curves of my body. Hindi ko alam na ganito pala siya ka attractive as if his soul shines through his skin. Tanging ang puting tuwalya lang ang bumabalot sa kanyang katawan na sa tingin koy konting hangin lang ay malalaglag na sa sahig.

"Gising ka na pala?" pagbasag niya sa aking illusyon.

Putik! Si Joey Iskolar, MVP ng soccer team ng University, kilalang manwhore ng campus kung saan lahat ng babaeng naging captain ng cheerleading squad ay naiuugnay sa kanya. Well, sino ba naman ang hindi mahuhulog sa anak ng school president. May kotse, may pera, may look, lahat na ng luho nasa kanya. Pero kung may isang bagay na wala siya yon ay ang utak. Siya ang pinaka iniiwasan ko sa school lahat na ata ng freshmen binubully niya.

"Pasensya na I need to go," mabilis kong tugon. Babangon na sana ako mula sa mga kumot na kanina pa nakapatong sa akin ngunit laking gulat ko nang mamalayan kong tanging ang boxer na lang ang nakabalot sa akin at maging ang aking damit pangitaas ay iba na rin. Tiningnan ko siya ng masama ngunit tinapunan niya lang ako ng isang nangaasar na ngiti.

"Not that fast,"diin niya habang bakas parin sa kanyang mukha ang kanina pa nangaasar na ngiti.

"Pa - paanno?" Silabiko lang ng mga salita ang aking nasambit. Shit nakakahiya ka Caleb. Kaklase ko pa naman siya sa isa kong subject sigurado akong gagamitin na naman niya ito laban sa'kin.

Dali dali kong sinuot ang pantalon ko na nakasabit sa gilid ng kama.

"Pasensya na" utal kong sabi.

Lalabas na sana ako nang harangin niya ako. He's using his body to guard me now. Tinulak niya ako ng malakas dahilan upang matumba ako pabalik sa kama.

"Magbayad ka muna?" saad niya na may malaking ngisi sa mukha.

"Bayad bitch may inutang ba ko sayo?" mataray kong sagot.

"You just puke inside my new car, panay din ang pagsusuka mo sa loob ng condo ko buti nalang nandito si Manang" confident niyang sabi na kinagulat ko naman.

Mababakas ang pagkahiya sa aking mukha. Ang mga tuhod koy unti-unti nang nanghihina. Takte naman dagdag pa to sa problema ko. Pero pwede naman akong maglinis nalang ah. Pero yong sasakyan bago yon eh naku lintik na. Hindi ko alam kong anong pwede kong sabihin sa mga oras na to tanging dalangin ko nalang ay lamunin ako ng lupa sa kahihiyang ito.

"Look Mr. Lopez, ang dakilang student ni Mrs. Aduke alam kong may problema ka and dahil mabait akong tao tutulungan naman kita sa isang kondisyon" mahaba niyang litanya na kinagulat ko.

"Wala akong problema tang ina" tanging nasagot ko nalang sa kanya.

"Talaga? Pambayad ng renta dahil tatlong araw ka ng due, paghahanap ng raket, school papers, idagdag pa natin ang mga damage mo sa bahay ko, ang pagtulong ko sayo sa bar lahat 'yon may bayad." Nakangisi niyang sabi na labis kong kinagulat.

Putik parang gusto ko na mamatay sa kahihiyan ngayon ah.

"Pa-paano- shit!" wala akong masabing salita sa labis na kahihiyan. Tang inang lalaking 'to halatang may balak siyang masama.

"Sige ganito nalang I'll give you two choices, first choice, i'll let you go with this pero sasabihin ko sa school kung paano ka malasing at isusumbong ko kay Mrs. Aduke na ang kanyang dakilang student ay isa palang lasenggo na hahantong sa pagkawala ng scholarsh..."

Hindi pa niya natapos ang kanyang sasabihin ay pinutol ko na siya

"Are you threatening me?" malakas kong sabi.

"Why? Are you threaten?" confident naman niyang sagot sabay ngisi.

"Second choice, babayaran ko ang renta na hindi mo binayaran at hindi ko ipagsasabi ang lahat ng nangyari" madiin niyang sabi.

"Eh madali ka naman palang kausap eh," mabilis kong tugon.

"Pero bilang kabayaran ay titira ka dito sa condo ko bilang katulong at magiging ka grupo kita sa research ni Mrs. Aduke?" Mahaba niyang sabi.

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Shit he's really trying to intimidate me.

"Choose wisely," nakangisi niyang saad na nagpatigil sa'kin.

KAHAPON (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon