Chapter 11

3.1K 176 12
                                    

(FAKER)

"Magaling ka namang umarte diba?"

Ibinaling ko ang aking tingin kay Hazel na ngayo'y parang kinakabahan na. There's something wrong sa atmosphere or maybe sa katawan niya sa lamig ba naman ng panahon pinagpapawisan pa siya.

Nanatili akong tahimik sa loob ng sasakyan samantalang hindi ko na pinansin ang tanong niya sakin at ang pinaguusapan nila ng driver.

The rain is still intermittent ngunit malakas ang bawat bugso ng hangin.

We drove about an hour. The lane is unfamilliar to me. Nasisiguro kong hindi kami babalik sa condo ni Joey. Maybe sa bahay ng bitch na to pero I wonder kung bakit ang layo naman ata sa syudad.

Huminto ng bigla ang sasakyan. Isang rigid na wall na gawa sa bato ang bumungad sa amin. Isang gate na malaki naman that took my sight ang binubuksan ng mga guards.

"ISKOLAR RESIDENCE"

I positioned myself after reading what was written on the old fashioned gate na ngayo'y nabuksan na nang bahagya. 

"Welcome to the mansion" pagbasag ni Hazel sa katahimikan at binigyan niya ako ng isang ngiti.

Pagkapasok ng sasakyan sa loob ay nagulat ako sa bumungad sa akin. The scenery was just amazing, ang bahay sa medyo di kalayuan ay nagpapaalala sa akin sa setting na napapanood ko sa Disney movies, ang disenyo nito'y tila inspired ng Monte Carlo and the designs are somewhat inspired by Italian. May isang gazebo kaming nadaanan that was sorrounded by the dandelion, roses at iba pang mga bulaklak na nakahilera sa paligid nito. The ground was vast enough kung saan may nakita pa akong soccer goalie.

Isang wooden swing naman na malaki ang makikita sa gitna ng garden just beside the gazebo.

Isang mahalimuyak na amoy ang sumalubong sa akin as I opened the car's window pane.

Kahit na medyo umuulan ay kapansinpansin pa rin sa kapaligiran ang taglay nitong kagandahan. This must be a safe haven of Iskolar Family.

Nanginig ako sa kinauupuan ko ngayon. I wonder kung bakit ako nandito, kung bakit nandito ang isang certified na disaster. Isang walang kwentang Caleb Lopez na walang ibang ginawa kundi ang magdulot ng perwisyo.

"Hazel bakit ba tayo nandito?" Kabado ko ng tanong kay Hazel na ngayo'y tila kinakabahan na rin.

"Basta do your best acting bitch, tanging oo lang ang isasagot mo sa mga tanong nila!" she said.

Magsasalita na sana ako ngunit laking gulat ko nang buksan ng mga gwardiya ang pintuan. Agad namang lumabas si Hazel kaya wala naman akong nagawa kundi ang lumabas sa sasakyan.

Pinayungan ako ng isang guard as if any second i'll disappear na tila ayaw nilang mapatakan ako ng isang butil ng tubig. Ganun din si Hazel na ngayo'y panay ang pagngiti sa akin na tila ba may pinapahiwatig.

Masyado akong blank sa  sitwasyon ko. Not knowing anong susunod na mangyayari.

Isang malaking pintuan that serves as the entrance ng mansion ang binuksan ng dalawa pang guards. Magara ang disenyo nito as if ancient.

"Welcome back sir" salubong sa'kin ng dalawang guard as they throw a genuine smile to me. I smiled back kahit hindi ko na alam ang pinagkakagawa ko.

Masyadong malakas ang kabog ng aking dibdib. As if any moment lalabas na ito sa rib cage. I can't even help my hands na nanginginig na. Napamura nalang ako sa kaba.

Pagkabukas ng pinto ay agad kaming hinatid ng guard sa dining area at gaya ng hindi ko inaasahan. Iba't ibang mukha ang hndi ko kilala doon. Some are old, ang iba naman ay ka edad ko lang, at ang isang matandang lalaki na nakaupo sa pinakagitna ng table na tila manghang mangha ang umagaw ng aking atensyon. Lahat sila'y tumayo from their seats now clapping their hands for me.

KAHAPON (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon