Chapter 12

2.9K 168 6
                                    

(Home)

Mula sa mansion ng mga Iskolar ay nagtungo kami ni Joey pabalik sa condo niya samantalang nagpaiwan naman si Hazel to fix things up sa mansion.

We left clocking 10 pm at ngayo'y nasa sasakyan pa kami.

Joey is driving the car samantalang nakaupo ako just beside him sa front. Hindi man nakabukas ang bintana ay nilalamig pa rin ako. The weather is still intermittent. Ipinikit ko ang aking mata to atleast take a nap since 1 hour pa ang byahe.

Nakakabinging katahimikan ang nanaig sa aming dalawa.

I rub my two hands for heat dahil talagang giniginaw pa rin ako at nang mapansin yon ni Joey ay agad niya naman itong pinuna.

"Nilalamig ka? Pasensya na kung napagod ka" he said, his voice is now worried.

Nilingon ko siya to see him while driving. At sa kasamaang palad para nanaman siyang magnet kung saan di ko maalis ang mga mata ko.

Ang tangos pala ng ilong niya pagnaka side view, ang ilan sa hibla ng kanyang buhok ay dumadampi na sa kanyang makapal na kilay at ang ilaw sa sasakyan ay nagbibigay depinasyon sa kanyang balat, siguro'y may dugo nga siyang banyaga dahil sa kulay na kanyang balat na talagang likas na maputi na ngayo'y tila mamulamula sa liwanag ng ilaw. Idagdag mo pa ang kanyang labi na parang hinulma lang, masyadong define. Kahit na siguro sinong babae ay maaakit niya sa isang kindat lang.

"I'm fine, thank you" I replied back.

Hindi na niya ako sinagot. I postioned myself again to sleep easing all of my problems.

Mayamaya pa'y naramdaman ko ang kanyang mga kamay. Nabigla ako sa biglaan niyang pagdukot sa aking kaliwang kamay.

He surfaced his thumb on my palm na tila ba pinapainit niya ito. Hindi ako nakagalaw, hinayaan ko na lamang siya na gawin yon sa kamay ko.

He intertwined our hands and i'm more than surprise sa lambot ng kanyang kamay na tila ba'y hindi dumaan sa hirap o anumang mabibigat na gawain. Well, isa lang naman siyang Iskolar at gaya ng sabi ni Hazel pati lamok ay hindi pwedeng dumapo sa mga Iskolar so what's the talk Caleb. Nahiya tuloy ako sa gaspang ng aking kamay.

I pulled my hands away from his touch though aminado akong ang init na dala ng kanyang kamay is so fucking satisfying, note na kamay palang to how much more kung lahat na. How much more kung bitch erase! What are you thinking Caleb? I think I really need to cleanse my brain ang dumi ko ng magisip. Fuck.

I tried to recover my hand pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya dito. His right hand was as if locked on it. Ang kanyang left hand lamang ang kanyang ginagamit sa pagmamaneho as he maneuvered the car. Mabuti nalang at walang gaanong sasakyan sa daan.

Hindi ko na binawi ang aking kamay hinayaan ko nalamang siyang gawin yon hanggang sa nakatulog na nga ako.

---

Almost 11 na nang sulyapan ko ang aking phone to check the time at sa wakas nakarating na din kami sa condo niya.

I always wonder why he keeps on helping me. Siguro nga naaawa lang siya sa'kin at siguro nakikita niya lang si Leo sa'kin ang kanyang kapatid.

From the parking area we went to the elevator patungo sa taas at diritso sa condo niya. Nabigla ako after seeing my things inside his condo. Ang dalawa kong travel bag at mga maleta ay nasa loob na maging ang backpack na usually kong sinusu'ot sa school ay nandito na rin. Even my 4 pairs of shoes were here at my swimming apparel were also here. Nakakagulat naman ata.

"Joey mga gamit ko ba to?" I ask making sure kung akin ba talaga ang mga gamit.

Tiningnan niya ang mga gamit matapos ko siyang tanungin.

"Oo pinakuha ko na don sa sa dati mong tinitirhan" he plainly said na labis kong kinagulat.

"What? Why?" Para na akong timang sa mga kinikilos ko. Pero sa totoo lang naman hindi ko parin gets kung bakit niya ko tinutulungan ng ganito.

"Simula ngayon dito ka na titira" sa'ad niya sa'kin.

I am so blank right now. Siguro nga naaawa lang talaga siya. Di ko tuloy maiwasang maawa sa sarili ko tila namumulubi na ako sa lagay na to. Hindi naman pwede na umuwi ako sa probinsya since hindi pa tapos ang klasi.

He stared at me quite long as if examining me.

"Don't worry you'll be fine here" nagaalala niyang sabi sabay bigay ng ngiti sa akin. Samantalang nakatayo lang ako at di alam kung magpapasalamat ba o anong pwede kung isagot. Parang sobra sobra na ang pagtulong niya sa'kin.

Umupo siya sa couch sabay tipak sa cellphone niya. Umupo naman ako sa tabi niya. Medyo nakakailang parin kapag kasama siya pero siguro nga dapat ko na siyang pakisamahan simula ngayon.

"Uhm Joey, yong kapatid mo" napa aching pa ko nang di inaasahan. "Yong kapatid mo ilang taon ang gap niyo?" Pagpapatuloy ko.

Bahagya siyang napatingin sa akin at natigilan. "Ka edad ko lang siya" he said at nagpatuloy ulit sa cellphone niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Kanina lang sabi niya younger brother pero ngayon ka edad niya lang.

"Paanong ka edad mo lang e younger brother tawag mo?" I ask again.

"Magkaiba kami ng nanay" his voice was low enough pero narinig ko naman ang sinabi niya.

Kung magkaiba sila ng nanay meaning to say ang tatay nila ang Iskolar. Gusto ko pa sanang e tanong kung close ba talaga sila pero mukhang hindi pa siya handang mag open up sa bagay na ganito.

"May gusto ka pa bang malaman?" Tanong niya naman.

"Wala na! Nais ko lang sanang magpasalamat sa lahat ng tulong mo. Pasensya ka na rin dahil naaabala pa kita. Pero wag kang magalala gagawin ko lahat ng gawain dito sa condo kapalit ng pagpapatuloy mo sa'kin " I lenthily explained.

Natigilan ulit siya sa kakatipa sa cellphone niya. Tiningnan niya ako nang malalim at bahagya siyang ngumiti.

"Caleb, hindi ako nanghihingi ng kapalit masaya lang ako na nakikita kita" he softly said. And now hindi ko na maintindihan pero lumalakas ang kabog ng puso ko.

"Uhm Joey, do I really look like Leo?" I asked with quandary kung kamukha ko ba talaga si Leo para patirahin niya ako dito. Siguro nga naaalala niya lang ang kanyang kapatid I mean half brother sa akin.

"No, You looks so much different, 6 years old pa kami noong nawala siya sa dagat dahil na rin sa kapabayaan ko, magkaedad lang kami non pero simula nong mawala siya sa dalampasigan ang lahat ng sisi ay napunta sa'kin"

I sighed after hearing his words matagal na palang patay ang kanyang kapatid. Napaka insensitive ko na pala to ask such personal question. Tumayo na ako upang maisaayos na ang gamit ko nang bigla niya nanaman akong tinawag.

"Caleb"

Napahinto na lamang ako.

"You're special , I'm happy you're here"

"This is your home now" he added.

KAHAPON (BxB)Where stories live. Discover now