Switch
Pakiramdam ko ay wala pa rin ako sa sarili maging hanggang noong nasa byahe na kami.
Iyon ata ang unang pagkakataon na nakita ko syang naglabas ng ganoong klaseng emosyon. That guy never shows intense reaction on anything! Kahit gaano pa kapanapanabik ang mga napapanood o biglaang naikukwento ko sa kanya. Wala talaga. Hindi ko sya kailanman nakitaan ng matinding reaksyon.
It's like he's got a complete control over his mood. Na animo'y ang naka-set lang na pwede niyang maramdaman ay pagiging kalmado. He have always kept his cool all this time.
Well.. not until a while ago.
Dahil hindi ako nagtatangkang kausapin sya ay matinding katahimikan lang ang bumabalot samin sa loob ng sasakyan. Paano ba naman kasi ay ako ang madalas na nagi-initiate ng usapan kaya't ngayong hindi ako nadaldal ay talagang walang anumang maririnig na ingay.
I flinched when my phone suddenly started ringing.
Cal is calling...
Halos magdalawang isip pa 'ko kung sasagutin ba iyon dahil naiilang akong magsalita ngayon. I'm confined in a small space with Ali and I feel awkward knowing that he'll hear me talk right now.
Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang tumikhim.
"Hello?"
"Einj," he said "Just saw your text from last night. Jave shop later?"
"Yeah.." tipid na sagot ko, hindi makabwelo.
"Alright. Ngayon ang labas ni Tita?"
"Oo,"
"Anong oras?"
"Hapon pa. Mga 6PM daw sabi ni Elcid,"
"Okay, see you."
"Take care,"
Bumalik na naman ang nakakabinging katahimikan nang ibaba ko ang tawag.
Ni wala akong lakas ng loob na lumingon sa gawi ni Ali.
Ang huling sulyap ko sa kanya ay noong pagkapasok ko pa lang sa kotse. Mahigpit ang kapit nya noon sa manibela habang salubong ang kilay. Kung makatingin sya nang tuwid sa labas ay parang may galit sya sa kalsada. May kaunting bakas pa rin ng pamumula ang tainga.
Sa ngayon, wala akong ideya kung ano na ang ekspresyon niya. I don't have the guts to glance!
Kaya't laking pasasalamat ko nang makarating na kami sa school.
Hindi ko na kailangang manguna sa paglalakad dahil alam niya na rin naman ang daan patungong registrar.
Habang binabaybay namin ang grounds, I realized I might not be able to tour him today. With the fiddly tension between us right now, I'd rather not. Saka na lang siguro.
Tulad ng nakaraan ay naghintay lang ulit ako sa nakahilerang upuan sa corridor. Nakaupo ako roon habang inaasikaso si Ali ng staff sa window.
I felt my phone vibrated inside my bag. Nilabas ko iyon para basahin ang text.
Aysen:
Tita was rushed to ER this morning. Hindi tuloy ang pag-uwi mamaya.
BINABASA MO ANG
Apricity (Published under PSICOM)
RomanceSaying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting. They tend to keep on doing favors until it's too much. Ngunit kailan nga ba masasabi kung sobra na? Einav Jynette R. Leyva is the sweetest s...