9th

19.6K 884 298
                                    

My  own



"Wala na ba tayong nakalimutan?"


I passed the last carry-on to Elcid and he then loaded it to the car. Sinilip ko ang loob ng kotse upang pasadahan ng tingin ang mga naroon.


Tulad ng madalas, ang chevrolet express nila Davion ang gamit naming sasakyan. Aysen's already all set on the driver seat. Katabi niya si Aki na tulog na habang suot ang hoodie sa ulo.


Sa likod ay abala si Davion sa phone habang ang katabi niyang si Cal ay nakasandal sa backrest at naka-krus ang mga brasong natutulog. Alister on the other end of that row has his airpods on while looking outside the window.


Sa gitna at tapat ng nakabukas na pinto ay mag-isa namang nakapwesto si Rae sa tabi ng bintana sa dulo. Nang marinig ang pagsarado ni Elcid sa likod ng kotse ay pumasok na rin ako upang tabihan si Rae.


Sumunod naman si Elcid at pumwesto sa gilid ko. He then closed the car door on his side.


"Let's go,"


Elcid led a short prayer for a safe trip. Tuwing siya ang nagli-lead ng dasal ay tahimik talaga ang lahat. Walang nagtatangkang tumawa. It feels extra sacred when he's the one doing it. Maybe it has something to do with him being a sakristan. He used to be one until he's 18.


"Where's your tumbler?" aniya sakin, ilang minuto pagkaandar ng sasakyan.


Minwestra ko iyon sa hand-carry na nasa harap namin.


Tumango siya at kinuha iyon pati na ang lalagyan ng gamot ko sa bulsa ng bag. Hinanda nya iyon para sakin. He took one pill and uncapped the bottle of water before handing it to me.


"Thanks.." wika ko habang tinatanggap iyon. The tablet helps me a lot in preventing the nauseous feeling during a long ride.


Inangat ko ang ulo upang inumin ang gamot. Tumama ang mata ko sa rearview mirror habang nilalagok ang tubig. I caught Calcifer yawning from the back. Si Davion naman ay nakatutok pa rin sa phone habang ang isa pa sa gilid ay nakatanaw lang sa labas.


Napailing-iling ako habang sinasara ang inumin. Caspian Alister. The exact definition of walang pake sa mundo.


Nakalabas na kami sa subdivision nang buksan ni Aysen and stereo. He played Higa by Arthur Nery. You'll know it's from Aysen's playlist when it's OPM. He likes classics. Mahilig din siya sa Filipino bands like e-heads and rivermaya. Somewhat an old soul he is, you can say.


"Sandal ka sakin, Rae-rae. You sleepy?"


She turned to me with drowsy eyes and smiled faintly before leaning his head on my shoulder. Hindi nagtagal ay hinila na rin ako ng antok.


Naalimpungatan lamang ako nang mag-stop over kami. Nang imulat ko ang mata ay saktong hinihinto ni Aysen ang makina ng sasakyan. My gaze met his eyes on the rearview mirror.


"Restroom break,"


"Alright."


He gave me a small nod before stepping out of the car. Humikab ako at na-realize na sa kabilang side na naka-dantay ang ulo ni Rae. Marahil ay nangalay. I stretched a little saka ginala ang tingin sa mga kasama. Even Elcid was taking a nap.


Everyone else was also asleep actually. Except for one, though. Alister. Unlike earlier, his attention is now on his phone.


Napansin kong nasisinigan siya ng araw mula sa bintana.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon