38th

17.8K 846 547
                                    

Happy for them



Elcid:

Should we go home now?


Umangat ang tingin ko matapos mabasa ang mensahe. I scanned the sea of socialites. Sa gitna ng enggrandeng hall ay natagpuan ko ang nagpadala ng mensahe.


Kahit maraming personalidad na nakapalibot sa kanya ay nasa akin ang mga mata niya. Tila kanina pa nakatitig at nakaabang na tignan ko pabalik. Hindi nakikinig sa usapan ng mga politiko sa harap niya.


His brow shot up at me when I found his gaze. Binaba nya ang tingin sa phone at pasimpleng sinenyas iyon. Mabilis kong nakuha ang ibig niyang sabihin.


Kung kanina ay naka pangalumbaba ako, ngayon ay nakaupo na ako nang maayos. Tinuon ko ang atensyon sa phone para abangan ang panibagong mensahe ni Elcid.


Elcid:

You seem tired. We can ditch the event anytime so you can sleep. Just tell me :)


Napangisi ako. Muli ko siyang nilingon.


Tulad kanina ay nakaabang pa rin sa tugon ko ang mga mata niya. I shook my head with a smile to answer his question.


Saglit pang tumagal sakin ang tingin niya bago tuluyang nakumbinsi sa sagot ko.


Inayos ko ang laylayan ng champagne dress ko na nakasayad sa sahig bago binalik sa harap ang atensyon.


Sinubukan kong aliwin ang sarili sa nagpeperform na orchestra sa unahan. Doon na rin ako tumuon tulad ng mga kasama ko sa table. I'm seated with some of the most elite persons in town. Ang upuan sa kaliwa ko ay kasalukuyang bakante dahil kay Elcid iyon.


Classical music never failed to pacify me. It was very soothing. Ginawa noong mas elegante ang dating ng pagtitipon. Gustong-gusto ko ang mga tinutugtog na musika sa kabuuan ng gabi.


Isa pa sa paborito ko sa ganitong okasyon ay ang mga pagkain. Elcid was able to get back on the table to join me eat during the serving of food.


"Here, let me." aniya nang makitang hirap ako sa paghiwa ng steak.


Pinagpalit niya muna ang plato namin. He cut into slices the meat on my plate. Nang matapos ay saka niya lang iyon binalik sakin.


I heard the other people at our table cooed in awe. Umunit ang pisngi ko ngunit natawa rin sa reaksyon nila.


"How long have you been together?" mahinhing usisa samin ng isang ginang.


From what I can remember, she's a congressman's wife.


"Almost two years na po.." I gave her a warm smile.


"I see.. Young love is always the best," may kislap pa sa mga mata niya. "Were you college sweethearts?"


Elcid turned to me.


"You can say that.." he gently said. "We became official when I was already graduating and she's on her third year,"


"Oh, how dreamy! They say that best relationships are formed in school.. Now looking at you two, I couldn't agree more!" she giggled.


Napangiti ako sa sinabi niya. Napatingin ako kay Elcid at ganun din siya sakin. He gave me a tender smile. Pinatong ko ang palad sa kamay niyang nasa lamesa. Mas lalong kinilig ang ginang sa nakita sa amin.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon