23rd

17.8K 840 163
                                    

Ingat ka



The rest of the day was a blur to me. Ang alam ko lang, I did all I can do to avoid any interaction with Ali.


Sa sumunod na araw ay maaga uli akong nagising. I haven't been sleeping soundly since the previous night. Mababaw lang ang nagiging tulog ko.


"Mom, what's this?" I asked while drinking my yakult after breakfast.


Tamad na tamad ang paghahanda ko para pumasok. I don't get what Saturday classes are for. Hindi pa ba sapat ang limang araw sa isang linggo? Ugh.


"Supplements and herbs." tukoy niya sa basket na nakapatong sa lamesa. "Para kay Tita Grace mo yan. Tamang-tama, drop that off to their shop once you leave."


Sinilip ko pa ang mga laman noon at nakumpirmang galing pa iyon sa Italy mula sa short business trip ni Daddy kamakailan.


Tulad ng bilin ni Mommy ay ganun nga ang ginawa ko. Matao sa Java Shop pagdating ko. Elcid was busy attending customers.


"Ate Einj!" si Aria naman ay magiliw akong sinalubong sa labas pa lang.


Sinuklian ko ang yakap niya before ruffling her hair. Lumandas ang tingin ko sa loob ng shop at nagtama ang mata namin Elcid. I just smiled at him before turning to Aria again.


"Where's your mom?"


Napag-alaman kong tulog pa raw si Tita. I decided not to bother them anymore and just handed the basket to Aria.


"Thanks for this, Ate! I really can't wait for you and Kuya to get married in the future!" she joyfully said.


"What?" halakhak ko.


"Why? Ganun naman po talaga diba kapag mag-boyfriend at girlfriend?"


I chuckled. "I told you, I'm not your Kuya's girlfriend."


"Huh? You always say that but I know better.." she even crossed her arms. "Saka, ikaw lang po ang pinaka-bagay kay Kuya, Ate Einj. No one else deserves him but you!"


Napailing-iling ako habang natatawa. Gustuhin ko mang magtagal ay hindi pwede dahil may klase pa ko. Kalaunan ay kinailangan ko na ring magpaalam.


I looked through the glass walls once more and I easily found Elcid's gaze. I smiled and waved goodbye at him too.


"Talaga? Next week na ang first game nila?" Seya spat.


Sa isang subject lang kami magkaklase ni pero halos iyon na ang bumubuo sa bawat araw ko. At days like this where I'm not at my best, it's always my friends who make everything better.


"Yup,"


"I should watch then! Tatawanan ko nang malakas sina Calcifer at Davion," hagalpak niya. "Bano sa basketball yung mga 'yon diba?"


"Uy hindi na no! Magaling na kaya sila. Inaaya kasi kita manood ng mga practice, ayaw mo eh."


She just shrugged at that. Mukhang hindi pa rin kumbinsido na humusay na ang dalawa.


Kakatapos lang ng klase namin sa Speech Comm kaya't nagliligpit na kami. It's lunch time. But since parehong building ang sunod na pasok namin pagkatapos ng break ay nagdesisyon kaming sabay na ring kumain.


Tutal ay wala na rin naman akong ibang kasabay mag-lunch ngayon...


"May broadcast ka ba ngayon?" she asked while we were already heading to the door.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon