20th

20.4K 804 213
                                    

Nasamid



Fortunately, natuloy na nga ang release ni Tita Grace mula sa ospital noong gabi ring iyon. Sa pagkakataong ito ay matiwasay na siyang nakalabas.


We just had an intimate dinner in the Java Shop to welcome her back. Simple lamang at hindi na rin namin pinahaba ang gabi upang makapagpahinga siya nang maaga.


"So.. basketball training resumes tomorrow?" paniniguro ni Cal noong pauwi na kami.


Tumango ako upang kumpirmahin iyon. Noong nakaraan ko pa naman iyon nabanggit sa kanila matapos kong malaman na makakauwi na sila Tita.


"Sa hapon na. After class." paalala ko.


Balak ko na lang daanan si Elcid sa Java Shop bukas pagkatapos ng klase. I have to bring my car then. Hindi na muna ko makikisabay kay Alister sa pagpasok.


Kaya naman bago ko matulog ay minabuti kong i-text si Ali.


Einj:

heyy won't hitch on u tom!! ill see u on school na langgg


Nang maipadala ay pinatay ko ang phone screen at nilapag na iyon sa bedside table upang makatulog na. I was already tucking my self on the bed when my phone rang for a call.


It was Ali. Hindi ko inaasahang mababasa niya pa ang mensahe ngayon lalo pa't malalim na ang gabi.


"Why?" bungad niya.


Agad kong nakuha ang tinutukoy niya.


"Dadaanan ko si Elcid pauwi. Isasabay ko na siya papunta sa gym para sa practice."


"Kung ganon makikisakay na lang din ako,"


"Huh?"


"I'll hitch in you tomorrow instead," he said.


"H-ha?"


Natigilan ako. Hindi pa rin ako kampanteng pagsamahin ang dalawa matapos ang munting alitan nila nung team building. Mabuti na yung sigurado. Better safe than sorry.


"Wag na. H-hindi pwede,"


I can almost imagine him furrowing his brows.


"Bakit bawal?"


"Basta." I insisted.


Natahimik siya sa sinabi ko. Matagal siyang hindi kumibo na bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang.


I cleared my throat.


"How about we have lunch together? Libre ko,"


He didn't seem so please about it but that's all I can offer. I don't know why I feel like I have to make it up to him. Pakiramdam ko ay may kasalanan ako kahit wala naman talaga.


Sa sunod na umaga ay pumasok nga ko nang mag-isa tulad ng balak. Halos manibago pa ko sa sarili kong sasakyan. Hindi na ko sanay! I realized I've been way too used to being Ali's passenger. Nilamon na ko ng katamaran at halos hindi na nagalaw ang kotse sa garahe.


"Quiz agad sa first week kung hindi ba naman alagad ni Lucifer si Sir," dabog ni Seya sa tabi ko.


Third period ko na ito at masasabi kong siksik nga ang mga gawain ngayong araw. Ramdam ko na ang bigat ng workloads kahit pang-apat na araw pa lang ng semestre.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon