13th

18.4K 865 504
                                    

Heart



Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sagot sakin ni Ali nung nakaraan matapos ko siyang tanungin kung anong gusto niyang ipagawa sa akin bilang kapalit.


"Read me to sleep," 


Iyon lamang ang sinabi niya. He said I have to be there whenever he has trouble sleeping. Sa lahat ng pwedeng hilingin ay iyon ang gusto niya. Hindi ko siya maintindihan. Ang dami namang ibang pwede. He's one weird guy. Pero hindi naman ako pwedeng kumontra. I clearly told him I'll do anything he asked for.


"Adea!"


I jumped to her on the couch. She got a 1-day break from training like usual. Kung ang ibang teammates niya ay pinipiling itulog na lang sa dorm ang isang araw na pahinga, si Adea ay minamabuting umuwi sa Calle Nueva kahit saglit lang. You know, no matter how much people peg Adea as an aloof person, she still has that soft spot in her. I know it. I can see it. Hindi ko alam kung bakit hindi makita ng iba yun.


"Anong oras ka dumating?"


Linggo ngayon kaya't tanghali na akong nagising ngunit agad akong dumiretso kina Davion nang mabasa sa groupchat na nandito silang lahat maliban kay Elcid na susubukan na lang daw humabol mamaya. 


I easily found Adea in the living room. Si Aki ay nakatutok sa flatscreen at may hawak na console habang nakaupo sa sahig. He's playing with Rae who's sitting on the sofa. Si Aysen ay sa may garage ko nadaanan kanina.


"Kagabi pa. 11 or 12 I think? I was too tired to ask you all out so I just went straight to sleep,"


Itatanong ko sana kung anong oras niya kailangang bumalik but I realized that it might just spoil the mood so I ended up deciding not to. Inupdate ko na lang siya tungkol sa progress ng basketball team. Kinwento ko rin ang improvements nila pagdating sa practices. I also asked a thing or two about some technicalities which I've been keeping in mind coz I know Dea know the answers best.


"Hmm san si Cal?"


"Rooftop,"


Nanlaki ang mata ko. That could only mean one thing. He's doing a dance cover.


"Shit! I need to see!" wika ko saka walang pagdadalawang isip na lumundag pababa sa couch para tumakbo patungo sa hagdan.


Halos mapatid ako habang paakyat dahil sa sobrang excitement.


Damn, is he finally going to cover The Eve? Ang tagal ko nang request sa kanya 'yun! If there's one thing I really admire about Calcifer, it's his fucking skills in dancing. I give him all the rights to show off when it comes to that aspect cause he literally has what it takes.


"Hell Einj, what are you racing for?"


Hingal na hingal ako nang makarating sa rooftop. Tulad ng sabi ni Adea ay doon ko nga siya naabutan. He's getting down to a different song though, not the one I was hoping for. Sinubukan ko siyang kumbinsihin na iyong sinasabi ko naman ang sayawin.

Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon