10th

20.1K 1.1K 411
                                    

Hiwaga



Ramdam ko ang tensyon sa hangin hanggang sa hapag nang maghapunan. Minabuti kong ipagpaliban na lang muna ang natitirang activities para sa araw na iyon dahil sa nangyari.


"What's this? Salmon?"


Ang totoo, sa pagitan lang naman ni Alister at Elcid ramdam ang tensyon. The others seemed fine as usual. Si Cal ay madaldal pa rin na animo'y walang naganap na alitan. Palibhasa ay nagawa nya lahat ng gusto nya kanina dahil sa pag-kansela ng nalalabing gawain.


"No.. A lobster dish,"


"Really? It doesn't look like one,"


My phone beeped. Dinampot ko iyon at binuksan sa ilalim ng mesa. My co-anchor in broadcasting sent me files containing voice exercise pieces. Karagdagan iyon sa ilang naipadala nya na nung nakaraan. May airing kasi kami sa unang araw ng klase. I acknowledged the receipt of his message and told him I'll try them out.


"Einj, can't I just sleep in the room?" Davion grunted while we were setting up the tents.


"No," I instilled. "Napag-usapan na natin 'to.. We're camping out on our first night,"


He groaned. "I mean.. what's the point of getting rooms when they're just there and we're here enduring outside.."


My eyes rolled. Ngayong gabi lang naman. Tinuloy ko ang paglalatag ng tent na tutulugan namin ni Rae. Dinaluhan kami ni Aysen nang matapos siya sa kanila. Ganun din si Elcid.


We were supposed to gather around in a bonfire tonight. But it seems like it won't feel right after what happened. Gayunpaman ay pinagsindi ko pa rin sina Aysen ng apoy kahit pa hindi na kami nagtipon.


"Cal, samahan mo ko bili tayo ice cream."


"Aight, wait.." may pinindot sya sa phone bago tumayo at binulsa iyon.


"Dala ka wallet ah? Ikaw na magbayad," hirit ko pa.


"La kong pera. Kung meron lang pinag-aral pa kita."


I rolled my eyes. "Pambili ng PS5 meron, pang-ice cream wala?"


Gabi na ngunit marami pa ring turista ang nagkalat sa paligid. Litaw pa rin ang ganda ng lugar sa kabila ng dilim.


"Men!"


Nagulat ako nang may tinawag si Cal habang naglalakad kami. Saka ko lang napansin si Alister sa daang binabaybay namin. Tila galing ito sa kabilang direksyon.


"San ka galing?" Cal tapped him when we got near. Hindi ko alam kung close talaga sila o feeling close lang si Cal. Ganun naman kasi sya sa lahat.


"May kinuha lang sa room." lumandas ang tingin niya sakin.


"Tara sama ka samin," aya ni Cal.


Before I even know it, kasama na namin si Ali papunta sa cafeteria ng country club. Calcifer dragged him with us. Hindi ko rin alam san hinuhugot ni Cal ang kakapalan ng mukha niya. Walang kahiya-hiya sa katawan.


"Dito na lang kayo.. Ako na pupunta sa counter,"


Iniwan ko na sila sa pub tables at nagtungo sa unahan para bumili ng pakay. I peeked on the freezer and checked their flavors.


"Eight ice cream cones, please." ngiti ko sa staff doon. Napakurap ang payat na lalaki bago tumungo sa computer para i-punch ang order ko.


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon