Goodnight
All my life, I've always believed that life and love are interconnected.
In order to find yourself, you must live the life you love. And in order not to lose yourself, you must love the life you live.
Gusto kong mabuhay sa mundong puno ng pag-ibig. I live with that vision. Sa bawat araw, sinisiguro kong napapadama ko iyon sa mga tao sa paligid ko. Ang pagmamahal.
"Einj, totoo ba?" usisa ni Seya. "Na nasa New York na si Ali?"
Iniwas ko ang tingin.
"Oo,"
Mapuno man ng pag-ibig ang daigdig, hindi ibig sabihin ay aayon na ang lahat sa nais natin. Hindi porket gusto ay makukuha na. Hindi lahat ng plano ay matutupad.
Dahil hindi lang naman pansariling kagustuhan natin ang mahalaga. Minsan, may ibang taong mas nangangailan. May ibang bagay na dapat isaalang-alang.
Whenever I have to give way, I always think about my favorite verse in the bible. 1 Corinthians 13: to be particular.
Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth.
Kailanman, ang pag-ibig ay hindi dapat maging makasarili.
Umarko ang kilay ni Seya.
"Ano namang sinabi mo sa kanya?"
"H-huh?"
She gave me a suspicious look.
"He's whipped for you. Hindi yun basta-bastang aalis lalo pa't maiiwan ka,"
"Saglit lang naman kasi siyang mawawala—"
"Still. I doubt he'd readily agree." sumingkit ang mata niya. "Pano mo siya napapayag?"
Muli akong nag-iwas ng tingin. Hindi kayang tapatan ang mata niya.
"Wala, Seya. It's his father. Of course he'll go,"
Ramdam ko ang nanunusok na tingin niya sa gilid ko. Her brooding eyes never ceased in staring like a hawk at me.
"Siguro... tinakot mo no?" panunuya niya. "Na.. makikipaghiwalay ka kung hindi siya aalis?"
Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Palihim akong lumunok.
Nalaglag ang panga niya mula sa gilid ng mata ko.
"The hell?" hagalpak niya. "You seriously threatened him about being dumped?"
Uminit ang pisngi ko sa tawa niya.
"Kawawa naman!" aniya pa.
I didn't have a choice. Isa pa, para din naman iyon sa ikabubuti ng lahat. Mahirap iyon para sakin. Iniisip ko pa lang ay namimilipit na ko sa sakit. Pero yun na lang ang tanging naisip kong paraan.
That's why I was so relieved when he conceded.
Hindi ko alam kung paano agad na nakarating ang balita kay Seya. Ngayon pa lang naman ang mismong flight ni Ali. Wala pa kong ibang pinagsabihan non bukod sa team. Siguro nga ay sadyang mabilis lumipad ang balita.
I can't help but think of Ali during lectures. I was doodling at the back of my notebook.
Love. Luv. Luvie. Mahal. Mal. Mally.
Sa unang FaceTime namin pagdating niya sa New York ay iyon ang laman ng kwento ko.
"Mally?" his brow shot up.
"Yup." I grinned. "That's what I'll call you from now on,"
Pinaliwanag ko pa ang ibig sabihin noon sa kanya habang malaki ang ngisi. I was just trying to cheer him up. Alam kong lubhang mahirap sa kanya ang mga nangyayari. Ni hindi ko lubos maisip kung gaano kabigat ang sitwasyon doon ngayon.
At first, I was torn if it's better to give him peace rather than trying to uplift him. Ngunit nauna niya nang sinabing wala akong kahit anong kailangang gawin. He told me I don't have to walk on eggshells around him. Aniya pa, I just have to be me. He said he appreciates my energy at times like this.
Gayunpaman, minabuti kong kumustahin pa rin ang lagay doon. We briefly talked about the funeral. Lahat ng kamag-anak nila sa Amerika ay nagtungo na rin sa NYC. Pati ang ilan sa side ng bagong pamilya ng Tatay niya. He seems more comfortable in talking about it now.
Naalala ko ang usapan namin ni Seya isang beses.
"Sabi ni Seya, baka magkaroon ka raw ng side chick na amerikana." asar ko.
"Tss.." tumabang ang ekspresyon nya. "Pag sakin side chick, pag sayo boy bestfriend?"
"What?!" hagalpak ko. "Kaibigan ko lang naman talaga si Elcid!" I exclaimed.
"Oh, tignan mo. Ba't ka defensive? Wala naman akong binabanggit na pangalan, alam mo na agad."
"I know you're referring to him! Dati pa lang, mainit na talaga dugo mo sa kanya eh. Napagkamalan mo pa ngang boyfriend ko,"
"Sino ba namang hindi? Kung ganon kayo umakto sa isa't isa," irap niya.
Umangat ang kilay ko.
"So dati pa lang crush mo na 'ko?" panunuya ko para maiba ang topic.
I was successful in swaying the conversation. Panay ang ngisi ko bawat sandali ng usapan namin. Kahit nga siguro hindi siya magsalita ay ayos na sakin basta't matitigan lang siya sa screen.
"You're sleepy," aniya nang mapahikab ako isang beses.
Umiling ako. Unfortunately, I yawned again.
Sumeryoso ang mukha niya
"Sleep." utos niya.
Natawa ko sa awtoridad ng boses niya.
"Yes, boss." pagsang-ayon ko na lang saka umayos ng higa.
He watched me tuck my self properly under the comforter. Nang makahiga na nang maayos sa kama ay bumaling ako sa kanya.
Tumikhim siya.
"I'll just end the call later.. Keep it going for now," aniya.
Tumango ako.
"Okay... goodnight, mally." I grinned.
Pinwesto ko nang maayos ang iPad sa bedside table. Siniguro kong kita pa rin ako sa pagkakaunggulo noon.
I gave him a warm smile before lying my head on the pillow and eventually closing my eyes.
Hinihila pa lamang ako ng antok nang marinig ang banayad niyang paghinga.
"Goodnight too.." his hoarse voice mumbled. "..mally,"
BINABASA MO ANG
Apricity (Published under PSICOM)
RomanceSaying no is the constant dilemma of people with the biggest hearts. To them, refusing equates to rejecting. They tend to keep on doing favors until it's too much. Ngunit kailan nga ba masasabi kung sobra na? Einav Jynette R. Leyva is the sweetest s...