2nd

32.2K 1K 261
                                    

Thanks



"San sila?" salubong ni Adea pagkaupo sa tapat ko.


I sipped on my smoothie before answering.


"Sinundo ni Cal si Rae from her ballet class."


"Aysen?"


"He's helping Elcid serve the customers,"


Lumibot ang tingin niya. My eyes unconsciously did the same. Naabutan kong naghahatid ng order sa isang table si Aysen habang abala naman sa counter si Elcid.


"Si Davion tulog pa ata-" naputol ang sasabihin ko nang tumunog ang chime sa glass door.


"Oh, he's here."


"Speak of the devil and he shall come,"


Davion went straight to our spot. His hair is kinda messy yet damp in a striking way. It was halfway dry and wet from the shower. 


He reached for my drink as soon as he sat beside me.


"I won't stay for long. May lakad ako." aniya matapos ilapag ang baso ko.


He even checked his watch right after.


Napairap si Adea. "Walang nagtanong."


Davion's lips parted. Sasagot pa lang sana siya nang lumapit si Elcid sa lamesa namin.


Naglapag siya ng inumin para sa dalawa. He also took the tray left from earlier and sat on the vacant chair. Aktong kukuha si Davion ng plastic straw sa gitna ng table nang tampalin ni Adea ang kamay niya.


"The fuck?"


"Nasan metal straw mo?"


Daviod gave her a dead beat expression. "Hindi ko dala, okay? Stop being such an eco-freak,"


That's what they call Adea for being very solicitous with nature. Tuwing pasko ay halos puro environmental-friendly gifts ang natatanggap namin mula sa kanya. Before, I wasn't very mindful with these kind of stuff but her ways somehow encouraged me to do the same. Binigyan nya kami ng assorted set of metal straw kaya't sinisiguro kong lagi kong dala ang akin.


"Here," nilabas ko ang isang extra mula sa bag at inabot iyon kay Davion para hindi na sila magtalo. 


Inirapan na lamang sya ni Adea. She turned to Elcid and leaned forward.


"Kumusta si Tita?" 


It took him a while to answer.


"The extreme medication is taking a toll on her body.." aniya. "Sabi ng doktor ay maaaring ganoon talaga lalo pa't hindi sanay ang katawan niya,"

Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon