49th

21.9K 997 325
                                    

Compliment



"Your sister probably hates me.." I mumbled while looking at my phone.


"Hmm? Why?"


His fingers continued drawing circles on my back. Ang isang kamay naman niya'y nasa lalagyan ng pringles. He brought one near my mouth.


We are in his place right now. Nanonood ng movie habang nakahiga sa malaking couch ng living room. Sa laki noon ay mapagkakamalang kama ng sinuman. It's not just insanely long but also wide. The walls of the vicinity are entirely made up of glass overlooking the city lights.


Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang insidente noong isang gabi sa site. Tuwing naaalala iyon ay umiinit ang mukha ko. Hindi sigurado kung dahil sa hiya o sa ibang bagay. Kumpara noon, mas komportable na kong kumilos kami nang normal habang kasalamuha ang mga katrabaho.


Hindi nakakatakas sa paningin ko ang mga laglag na panga ng kasamahan tuwing may hindi inaasahang ginagawa si Ali. Mind you, I know he's not even going all out yet coz he's considering me. Nagpipigil pa sya sa lagay na yon. Iniisip ang kapakanan ko kahit sinabi ko nang hindi na namin kailangang magtago.


"I think your sister doesn't like me," ulit ko sa sinabi.


Matagal ko naman nang naiisip ito ngunit ngayon lang nagkalakas-loob na isabuhay ang mga salita.


"Who can't like you?" he muttered in a laid-back tone. "Everyone likes you, Einj. Everyone's been dying to be your in-laws,"


I sighed. What's the point of other people liking me when the sister of the one I love probably hates me. Baka nga pati magulang ni Ali ay ayaw sakin. They must have favored Milli if only she still likes Ali.


"I'm serious.. ayaw ata sakin ng ate mo,"


"Tss.. don't mind her. That woman hates people in general," aniya. "Literally everybody,"


"I doubt that.." wika ko. "She seems fond of Milli,"


Umismid ito. "Nah.. you should have seen how she treated Milli when she got in New York. She does not exactly like her too,"


"Well.. then.. she just hates me more than anyone else, I'd say."


Dahan-dahang huminto ang galaw ng kamay niya sa likod ko. Marahil napagtantong seryoso ang pag-aalala sa tinig ko.


"What made you say so?" he softly asked.


Inangat ko ang phone at hinarap ang screen sa kanya. Pinakita ko ang palitan namin ng mensahe ni Elle. Binasa ko rin iyon sa isipan kasabay nya.


Einj:

Elle, bakit hindi mo sinabi sakin na hindi si Ali ang boyfriend ni Milli?


Elle:

Ha? Hindi ka naman nagtanong


Einj:

Pero alam mo namang iyon ang iniisip ko


Elle:

Ano ko manghuhula


Einj:

No but my assumptions have been obvious


Elle:

Not my fault that you're stupid. What's all this fuss about anyway? Nagkabalikan na ba kayo?


Einj:

Sort of


"Bakit ganito ang sagot mo?" hinto ni Ali, may akusasyon sa tono. "Parang di ka pa sigurado ah?"


Apricity (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon