17.

27 13 1
                                    

TRIGGER WARNING: SUICIDE

"She's to weak to take another chemotherapy, Mrs. Synthia." A man in a lab coat wearing a round glasses uttered while facing a woman at her 40's.

"Baka hindi niya makayanan ang treatment na 'to, didiretsuhin na po kita. She is in between of life and death and just like you we're afraid that we might lose her."

"Anong gagawin natin, Doc? This can't be happening! Ayaw ko! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala siya sa akin!" The old lady shouted, her lower lips trembled. Napahilamos siya sa kaniyang mukha at napasabunot sa sarili niyang buhok.

Ano na naman ba ang ginagawa ko rito? My visions are telling me that I have something that I need to find. Naguguluhan ako. Narito na naman ako sa madilim na kwartong 'to hindi naman panilyar sa akin.

I slowly opened my eyes, tanging sinag lamang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa kwartong kinahihigaan ko ngayon.

Sa may pinto, naroon ang dalawang taong masinsinang nag-uusap. Pabulong man iyon nguni't matiim 'kong naririnig.

Pinagmasdan ko ang buong kwarto, nagkalat ang samot-saring bagay na hindi pamilyar. Mula sa mga picture frames, maging bawat sulok ng kwarto ay hindi pamilyar sa akin. Naguguluhan man ay pilit 'kong ayusin ang sarili. Habang marahang tumayo mula sa pagkakahiga ay hindi sinasadya na mahagilap ng aking paningin ang tag na nakapulupot sa aking palapulsuhan.

"Savviena Elliot Mortiera"

No, this can't be! Hindi ako ang babaeng 'to, nahihibang na sila! Kahit kailan hinding-hindi akong magiging siya!

Hinahabol ko ang bawat bawat paghinga ko at isa-isang nagbagsakan ang mga luha mula sa aking mga mata, kilala ko ang babaeng kinakatawan ko.

Nguni't bakit gano'n? Hindi ko maaninag ang sarili 'kong repleksyon sa salamin?

Bangungot! Isa itong bangungungot! Kailangan 'kong magising!

"Hindi ako si Savviena! Pakawalan niyo ako! Hindi ako ang babaeng tinutukoy niyo! Buhay pa ako!" Sigaw ko nguni't wala man lang nakarinig kahit gayon pa man ay nag-uusap si Doc Dominic at ang kinikilala 'kong nanay sa katawang ito na si Mrs. Synthia.

Tanging hagulhol at sariling pagsigaw ko lamang ang naririnig ko sa buong kwarto, naging mabigat na namang muli ang paghinga ko, parang ilog ang luha ko kung umagos.

"Stella, Stella! Wake up, hey!" Isang marahan na saad ng isang boses ng lalaki.

Sa pagmulat ko ng mga mata ko ay ang pag-agos muli ng mga luha ko. I was crying in my dreams at hindi ko akalain na totoo palang umiiyak ako.

Patuloy na umaagos ang luha ko, iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko gusto ang tiyak na pinaparating sa akin ng mensahe ng panaginip na iyon.

Parang totoo. Nakakapangamba, at higit sa lahat nakakatakot. Natatakot ako na baka mayroong pangyayari sa panaginip na iyon ang tiyak na ikakasira ko.

Napawi lahat ng mga tanong at pagtataka sa isip ko nang yakapin ako ni Clight. Mas lalo akong naiyak.

"C-Clight," utal 'kong sambit at bahagya pang humihikbi.

"Shhh, it was just a bad dream, Stella. Just a bad dream, okay? None of it was true really. Don't worry, I'm here. You're safe now." Aniya at hinagod ang likod ko.

"Natatakot ako, Clight." Sambit ko.

"Natatakot ako, Clight. Natatakot ako sa kung ano man ang ipinapahiwatig ng panaginip na iyon."

A Life Without You [Completed, Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now