03.

83 24 20
                                    

"Pagpasensyahan mo na si Naive, talagang ganyan ang bata na 'yan." He chuckled.

"Wala 'yon, atsaka binibiro ko lang naman ang bata para hindi na mangungulit." sambit ko naman at marahang natawa, kasalukuyan akong nakaupo sa dulo ng couch ngayon habang pinagmamasdan ang natutulog na si Naive.

Paano ba naman? Eh hinila ako para pumasok sa kwarto niya, I should stay for awhile raw muna for me to get to know his kuya.

Napaka-kulit na bata, natawa ako nang dahil doon. Halos kalahating oras na akong nakaupo sa dulo ng couch ng room ni Naive. It was my first time entering his room, madalas kasi ay lagi siya sa kwarto ko.

Puno ito ng teddy bears and other stuff toys, Naive is a cute child. He's a bubbly kid, he loves chocolates, hugs and kisses. Unlike other kids, Naive is a charming and an adorable kid. He's like a younger brother na rin to me.

"How did you met my brother, anyway?" He asked out of nowhere. I glanced at him and sighed.

"I was on my treatment that time, I was crying in pain and forgot that I left the door unlocked and it was widely opened. And he was there innocently staring at me, like I was about going to die. He thought." Pagkukuwento ko.

"Treatment? So, you're a patient?" Muling tanong nito, I nodded. Marahil ay hindi agad ako mapagkakamalan na pasyente dahil hindi ko sinusuit ang hospital dress. I suddenly remembered Noah by the same question.

"Yes, simula noong araw na iyon ay lagi na siyang dumaraan sa kwarto ko at nag-iiwan ng isang pirasong candy o tsokolate na may kasamang letters." Sambit 'kong muli at tumayo na.

"Since when did he started talking about me?" Pagkukuro ko rito.

"About four and a half month, sa bawat banggit niya sa pangalan mo hindi ko maiwasan na isipin kung sino 'yong babaeng tinutukoy ng kapatid ko, I always do get curious about you. Kung paano mo nakuha ang loob ng kapatid ko, he's not this talkative to be honest. Isa rin iyon sa rason kung bakit ako pumunta ngayon dito." He chuckled.

"Anong ibig mong sabihin?"

"I came here just to see you," i remained silent.

"My brother didn't liked women ever since, ang tanging babae lang na pinapansin niya ay si mom. Kaya laking gulat ko n'ong bigla ka na lang niyang ikinuwento." He added.

"He's not wrong though, you're kind, brave and strong just like what he have said. Naive is an introvert kid, he never do such things like leaving some candies and letter on a door for some stranger, he's also not a vocal kid. He likes spending his time alone pero, hindi ko alam kung bakit gano'n siya sa 'yo. I mean, hindi naman sa ayaw ko pero this is my first time to know that he has this side of him. My brother also don't speak, madalas siyang tahimik." I bit my lower lip to hide a smile.

"Noong una ka niyang naikuwento, roon nagsimula ang kuryosidad ko sa 'yo." Aniya.

"Bukod sa kapatid ko at kay Ate Lilac, si Naive yung pangatlong tao na nagparamdam sa akin na kailangan ko pang mabuhay." Saad ko dahilan para magkaroon ng linya sa noo nito.

"Bakit? Where's your mom nor your dad? Aren't they around to take care of you?" Muling tanong nito, I nodded my head. May parte sa puso ko ang kumirot dahil sa tanong nito.

"Oo, they're busy with their business nakalimutan na ata nilang may anak sila dito." I laughed. "I have to go, It was nice meeting you though. Paki-sabi na lang kay Naive to get well soon." Dagdag ko pa.

"Sure, it was nice meeting you too, Stella." And with that I looked at him with a questioning look.

"How did you-" magsasalita pa sana ako nang bigla ako nitong inunahan sa pagsasalita.

A Life Without You [Completed, Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now