19.

19 12 0
                                    

"Hindi ka si Savviena, ang totoo niyan ay ampon ka lang namin. You are smart enough that you even know your name when you were just a year old."

"Akala ko ay gawa-gawa mo lang ang pangalan na iyon, here laman ng box na ito ang buong pagkatao mo, Eina."

"Nandiyan ang lahat ng sagot sa mga tanong na namumuo sa isipan mo."

"Nasa harap mo na ang katotohanan nguni't,  nanatili 'kang nagbubulagbulagan."

Nakatulala lamang ako sa kwarto habang inaalala na naman ang panibagong panaginip na naglalaman nang mga bagay na kahit kailan ma'y walang koneksyon sa buhay ko.

"Eina," pangalan ng babae sa panaginip ko. Iisa lang sila ni Savviena at alam 'kong alam ni Clight na kilala niya ang babaeng nasa panaginip ko.

Speaking about Clight, he confessed to me yesterday. Pero hindi pa ako handang tanggapin iyon. I excused myself to them na pupunta akong comfort room pero ang totoo niyan ay hindi ako pumunta roon kung hindi sa kwarto ako dumiretso dahil hindi pa ako handang harapin si Clight matapos ang pagkamatay ni Emma.

May parte sa akin na gusto ko siya. Gustomg-gusto ko siya, pero may parte rin sa akin na hindi pwede.

Nang makapasok ako ng kwarto ay agad ko iyon isinara and all I did was to cry. I love him, pero wala akomg karapatan na mahalin siya dahil hindi ko kayang gampanan ang mga gawain ng isang babaeng magpapasaya sa kaniya.

I am useless, unworthy and a looser. Lampa, tanga at bobo. He doesn't deserve me, he deserves someone who can love him until they get old. Yung kayang-kaya siyang samahan sa pagbuo ng pamilya at pagtanda.

Yung kayang tanggapin ang pagmamahal niya, yung kaya siyang ipagmalaki. Yung klase ng babae na malakas.

Pumasok si Ate Lilac nang kwarto para kuhanan ako ng test. She smiled when she glaced at me. Nanatili akong tahimik at walang imik.

I saw her putting her wallet on one of my desk, nanatiling naroon ang tingin ko at hindi man lang siya binalingan.

"Kumain ka na ba, Stella?" She asked.

"Wala pa, ate." Ani ko.

"Did you drink your medicines?" Muling kuro nito, shook my head.

"Nandito pa ba si Lola Lauren at Sayi, Ate Lilac?" Tanong ko rito, kunot ang noo niyang tumango bilang sagot.

"Why?"

"Pwede ko ba silang puntahan pagtapos nitong test na gagawin natin? I have something to ask her." Ani ko.

"Well, sure? But, don't over work yourself, Stella. Hindi ko nagugustuhan ang test mo nang mga nakaraang araw. Nag-aalala na ako sa kalagayan mo. Isa pa, huwag mo munang alalahanin ang magulang ni Emma." Sabi nito.

"Do you think they will forgive me, ate?"

"Ofcourse, I'm sure. Hindi iyon ang dahilan ni Emma. We don't know what runs trough a person's mind, unless you asked them." Saad niya.

Matapos ang pag-uusap na iyon ay ginawa niya ang test, kinuhaan niya ako ng blood samples, she even checked my oxygen and heart rate.

Sabi niya ay wala naman daw iba roon kaya't pwede na akong magpahinga upang bumalik ang lakas ko.

She left without noticing that she also left her wallet, dali-dali akong pumunta roon at ibinuklat iyon.

I saw a picture of her and a woman.

Kinuha ko iyon at pinagmasdan, they look close together. Maganda, maputi, at may pagka-kulot ang buhok nito.

Maganda ito, she has this strong aura that can make boys fall inlove with her. Hindi tulad kay Ate Lilac na kapag titignan ay mahiyain, masyadong tahimik, at mahinhin.

A Life Without You [Completed, Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now