05.

69 25 20
                                    

Ilang araw na ang nakalipas simula nang makapag-usap kami ng mga kaibigan ko na sina Luis sa rooftop.

Matapos kasing naming mag-usap ni Clight ay binaha kami ng tukso nang makita kami nila Ginger na masinsinang nag-uusap sa isang tabi na aniya ay "love talk" kuno.

Tanging tawa lamang ang itinugon ko, sabay-sabay rin kaming bumalik sa mga kwarto namin. Luckily, walang nurses ang nagkalat sa hallway kaya't malaya kaming makakabalik.

Today is my sixth monthsary here in this boring hospital, simula nang ma-admit ako rito ay umiikot lamang ang mundo ko sa puting kwartong 'to. I decided to take a bath. Nang matapos ay agad rin naman akong nagbihis, I wore my high waisted black jeans, and black hoodie paired with white sneakers. It's another escaping day.

"Stella!" Sigaw na naman ni Ate Lilac nang magtangka na naman akong tumakas sa treatment ko ngayong araw. Bakit ko nga ba 'to ginagawa? Hindi ko rin alam.

Marahil ay natatakot akong makaramdam ulit ng matinding sakit mula roon, I've never really wished to be this sick.

Dala-dala ko ang gitara ko na nasa loob ng guitar case at nagsuot pa ako ng itim na hoodie para hindi ako mamukhaan ni Ate Lilac, nguni't masyado na yata siyang sanay dahil lagi ko rin naman itong ginagawa. Plano ko sanang pumunta sa rooftop nang mag-isa kaso huli na.

"Tatakas ka ulit?" Pangungusisa nito na may dismayadong mukha. Napahilot ako ng sentido ko at pekeng ngumiti.

"H-hindi! Ang totoo nga po niyan pabalik na ako para sa treatment." Pagpapalusot ko, nguni't hindi ito bumenta sa kaniya at mariing hinawakan ang mga palad ko at pinipisil-pisil iyon.

"Stella, alam mo namang ginagawa namin ito hindi para saktan ka, ginagawa namin ito para gumaling ka. Your cooperation is just what we need, kung nasasaktan ka sa treatment na 'to puwes, kami rin. We can't stand seeing our patient suffer, nasasaktan rin kami para sa 'yo." Saad nito, nakaramdam naman ako ng kaunting hiya. Ate Lilac is somehow right, hindi rin nila ginusto ang makitang naghihirap ako sa kalagayan ko.

Nakakainis, at nakakakonsensiya yung mga bagay na ginagawa 'kong pagtakas, I'm being too stubborn. Sawa na akong kaawaan.

"S-sige, Ate Lilac... I'll- I'll do the treatment but please, huwag mo sanang ipaalam sa mga kaibigan ko ang totoong sakit ko." Pagpapakiusap ko rito. She sighed.

"You know I can't do that but, if that's what you want, then, I will do my best not to tell them." And with that I gave her a warm embrace.

"Thank you," pagpapasalamat ko. Matapos iyon ay napagpasyahan ko na lamang bumalik ng kwarto para isauli ang gitara ko. Agad rin naman akong lumabas upang magpahangin.

It is another day for me to strive.

I was walking near the hallway when I suddenly saw Ginger and Luis sitting outside along Naive's room. With too much questions inside my head, I walked close to them.

"What happened?" I asked in a mono tone of voice.

"Si Naive... Stella..." nagtataka akong tumingin kay Luis, his face is wet made by the tears streaming down through his eyes. Ginger's eyes was also swollowen.

"A-anong nangyari kay Naive?" Muling pangungusisa ko sa mga ito nguni't masyadong nangingibabaw ang kanilang hikbi dahilan para hindi makasalita ng maayos.

"Masyado kasing sweet, binigyan kami ng tsokolate tapos magpagaling daw kami." Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ni Luis, I was about to punch him when he suddenly used his hands to sheild himself.

"Hoy! Joke lang! A-aray! S-Stella!" Daing nito sa bawat palong ibinibigay ko sa kanilang dalawa ni Ginger.

"Sa susunod 'wag kayong magbiro ng ganyan ah! Naknamputcha, hindi nakakatuwa! My heart's beating so much faster than adrenaline because of what you did!" Ani ko at napahawak sa dibdib, I was closer from crying then sasabihin ba namang gano'n?!

A Life Without You [Completed, Published Under Ukiyoto Publishing]Where stories live. Discover now