Chapter 13

16 6 4
                                    

Joberlyn's POV

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog despite what happened earlier. Agad akong napabangon sa kama at nag hilamos na. Pagbaba ko nakita ko sila na seryosong kumakain. I scanned the living room until it stopped on Rynna. Nakaupo ito nang nakacross arm, papikit pikit ito.

"I think you should rest" narinig kong saad ni Keziah sa kaniya. Umiling si Rynna bago umangat ang tingin niya. Saktong pag angat niya ay nagtama ang mga mata niya saakin. I saw how tired she is at kahit hindi niya sabihin alam kong natakot siya sa nangyari.

"Oh! Anjan kana pala. Kain na" nilingon ko si Samantha na nasa tabi ko na pala. Inabutan ako ni Jhedrick ng pagkain at pinaupo sa tabi ni Sealtiel. Yes! Sealtiel the jerk!

Napansin ko ang tingin nito kaya naman inirapan ko siya bago kumain. Nang matapos na kaming kumain ay napatayo si Rynna. "Better hurry up if you want to get this fucking mission done. Maligo na kayo at magdala ng tatlong pares ng mga damit. Siguraduhin niyong fully charge ang mga cellphone niyo, maging mga powerbanks kung meron man. Jhedrick, dalhin mo ang emergency kit mo just in case we might need it. Yung iba sa inyo magdala ng mga kumot habang yung iba magdala ng canned goods. Siguraduhin niyo din na sapat ang tubig na madadala niyo. At iyong mga valuables niyo such as wallet and keys dalhin niyo na din. Pati mga toothbrushes and toothpastes, and please! Do not bring any skin care kasi aakyat tayo ng bundok. Lotion pwede pa, wag lang mga make up."

"Bakit tatlong pares lang ang dadalhin na damit?" Tanong ni Anne. Nilingon siya ni Rynna.

"Kung gusto mo dalhin mo maleta mo paakyat ng bundok" and with that she went outside.

Napasimangot naman si Anne bago bumulong. "Tinatanong lang naman"

Napatayo naman si Gio habang binibigyan ng malamig na tingin ang kaklase. "Kaya sinabi niyang tatlong pares ng damit ay para hindi masyado ang bibitbitin natin paakyat ng bundok. Pwede naman nating labhan ang mga nagamit na damit as long as we have enough food and water" and with that he left.

"What's wrong with these people?" kunot nuong tanong ni Larry nang mag walk out din si Blue.

"Aba! Uso pala walk outan dito? Grabe hindi ako nainform" sarkastikong saad ni Kira na tumayo din at lumabas.

Nagkatinginan kaming mga naiwan bago napabuntong hininga. Napagpasiyahan ng mga lalaki na sila nalang mag huhugas ng pinagkainan at pinag imapake na kaming mga babae. Madami daw kasi kaming arte kaya mas maganda daw kung mauna na kaming magimpake which we obliged.

Nang makabalik ako saking silid ay agad akong nagimpake. Starting from my clothes, to my valuables down to my essentials. Inilagay ko sa isang waterproof na bag ang cellphone and powerbank ko. Mahirap na baka mabasa kami. Nang masiguro kong okay na ay agad akong bumaba. I just wore a simple hikers outfit. Pagkababa ko ay nakita ko ang iba sa mga kasamahan ko na naglalagay ng mga pagkain and water sa baskets. Kasunod kong bumaba ay si Blue bitbit ang 6 piraso na kumot.

"Guys may extra space kayo para sa blankets? Pwede natin tong gamitin bilang tents" nagtaas ako ng kamay. "Joberlyn? Great! Kunin mo itong iba" dali dali niyang iniabot ang kumot saakin. So far, 2 pares ang nagkasya.

"Why do we have to bring those blankets if we have our own tents?" nakapamaywang na tanong ni Janna.

"Well, just in case na makasalubong natin iyong lalaki ay madali tayong makakatakbo palayo" that's a good point. Mas magaan ang mga kumot kaysa sa tents. Damn, what can I expect from Rynna and Blue?

"May extramg space pa ako, siguro dalawa ang kasya" saad ni Beckett.

"Me too!" Saad ni Anne. Inabutan sila ni Blue ng tig dalawang piraso. Nang maiabot niya ay nilingon niya ang mga kasamahan namin.

The Deceived OnesWhere stories live. Discover now