Prologue

73 16 0
                                    

"Bakit?! Anong kasalanan namin sayo?!" sigaw ko sa lalaking kaharap.

"Ang totoo? Wala naman, pero kung hindi lang nangielam ang kaibigan niyo, wala kayo sa sitwasyon na ito" saad niya sabay sulyap sa isang babaeng nasa sulok. Punong puno ng sugat ang kaniyang duguan na mukha, may mga pasa din siya sa iba't ibang parte ng katawan. Nakagapos ito ng sobrang higpit na para bang natatakot sila na kumawala ito.

"G-ginawa lang naman ni Rynna ang tama! Wala siyang kasalanan dito!" sigaw ni Jhedrick sa lalaki.

"Tama? Tama ba na pati kayo madamay? Alam niyo, mga bata pa kayo, mahihirapan kayong intindihin ang mga bagay na tanging mga matatanda lang ang nakakaintindi. You don't understand—"

"Then make us fucking understand!" biglang sigaw ni Rynna. "You kept saying that we don't understand and yet you're not making an effort to make us understand"

"Masyado kang madaldal iha. Why don't we shut your mouth" nakangising saad nito sabay lapit sa switch ng ilaw. Humugot muna ito ng isang kutsilyo sa bulsa bago ngumisi.

"Huwag!!!" sigaw ni Joberlyn bago mamatay lahat ng ilaw.

~*~

"Okay kana ba?" tanong sakin ni Clyde. Hindi ko siya sinagot sa halip ay itinuon ko ang aking atensyon sa tv.

"Tama na yan, Keziah" narinig ko pang saad ni Sam bago tuluyang pinatay ang tv.

Bakit kaylangan humantong sa ganto? Bakit may namatay? Bakit may nawala? Dahil sa isang sekretong hindi dapat namin nalaman. Di ko inakalang ang sekretong natuklasan ng aming kaibigan ang siyang maglalagay samin sa kapahamakan.

"You guys ready?" tanong samin ni Joberlyn pagkababa niya ng hagdanan. Sabay kaming tumango bago umalis ng bahay na iyon. Ang bahay na nagsilbing tahanan namin.

Hindi pa man ako nakakalabas ng tuluyan nang lingunin ko ulit ang aming tahanan. Hinding-hindi ko makakalimutan ang masasayang ala ala dito. Mula sa apat na sulok ng bahay na ito, ay nararamdaman ko ang kasiyahan at pagmamahalan.

Hayaan niyong ibahagi ko ang aking nakaraan at ang dahilan ng aming paglisan.

The Deceived OnesWhere stories live. Discover now