Chapter 5

38 12 1
                                    

Samantha's POV

What the.....hell?!

I have a twin sister? Bakit di ako nainform?! My dad has some explaining to do. Though I already created some theory in my head. I also need Rynna's statement about her.

"She looks like you" bulong sakin ni Clyde. Mukhang narinig ni Jhedrick iyon kaya naiinis nitong nilingon si Clyde.

"Malamang! Magkambal sila!" napakamot naman sa batok si Clyde.

"Tsk" singhal ni Gina. "Stupid"

"Hey! Bawiin mo yang sinabi mo o ipapakick-out kita sa school niyo" banta ni Clyde dito.

"Gusto mong ako ang magkick-out sayo sa Azalea?" walang emosyong tanong ni Rynna kay Clyde.

"At paano mo iyon gagawin aber?"

"In case you didn't know, my uncle owns half of this school. So, in just one snap of my fingers, you'll no longer have access to Azalea"

Tumaas naman ang mga kilay ni Clyde sa narinig. "Bakit ba pinagtatanggol mo siya?!"

"She's my cousin" biglang sumabat si Gina sa usapan ng dalawa.

Ngayon lang din siguro nagregister sa utak ni Clyde na magkahawig ang dalawa kaya nag-peace sign ito sa kaibigan namin. And Rynna doesn't bluff.

"We have to go" saad ko. "It's already 6:35"

"Yeah, I think you should. Don't worry iba ang kuwarto ng mga lalaki sa kuwarto ng mga babae. Mayroon ding taga Heisanberg ang kasama niyo. Andoon na ata sila sa port" tumango kaming lahat sa sinabi ni Mr. Turncrew.

"You coming?" tanong ni Veiko kay Desmond.

"Yes and no.. Yes because I'm the one who's going to take you to the island and no because I'm not staying after I take you there" Blue tsked at Desmond's statement.

"Pathetic" hirit pa ni Kira.

"Tss, ganto ba talaga ang mga estudyante niyo dito? They're so rude!" He exclaimed, the principal just shrugged his shoulders.

"Tara na, bago pa humaba tong walang kuwentang usapan nato" sumimangot naman ako sa sinabi ng kakambal ko. Nauna nang maglakad ang mga Athena students kasama ang SSG president namin na si Rynna.

"Bakit parang si Rynna at Kira ang magkapatid?" bulong ni Jopay.

"Yeah, they're both rude" sang-ayon naman ni Desmond samin.

"Tss, mabait naman si Rynna kaso kapag ayaw niya sa isang sitwasyon, kagaya nalang ngayon, nagiging rude siya" pagtatanggol naman ni Blue dito.

"May gusto kaba sa kaaway Blue?" takhang tanong ni Joash.

"H-ha? W-wala ahh" napaiwas siya ng tingin dahil sa tanong ni Joash.

"Siguraduhin mo lang" hindi ko na sila pinansin, bagkus ay ipinokus ko ang aking atensyon sa kakambal ko.

What happened to her? Bakit iba ang kulay ng buhok niya sa buhok ko?

"Everyone get in" utos samin ni Rynna. Hindi ko pala namalayan na nasa tapat na kami ng isang bus. The windows are tinted.

"Ano nanamang klaseng trip to?!" mahinang singhal ni Sealtiel.

"Sumakay ka nalang!" singhal din ni Jopay dito.

"Small first—I mean ladies first" gagong Clyde na to!

Nauna akong umakyat nang makatapat ko si Clyde sa pinto ay sinuntok ko ang sikmura nito bago tuluyang pumasok.

The Deceived OnesWhere stories live. Discover now