Chapter 16

6 6 2
                                    

Sealtiel's POV

Rynna fell asleep before she can even finish her sentence. As she sleeps, I let my eyes roam her face. Although she's rude and cold, she has a face that can steal anyone's attention. I mean, all of her friends are head turners. Despite of their beauties, their attitudes are the opposite.

"Huh? May sinasabi ka?" Napalingon ako sa direksiyon nila Giovanni at Gina. Giovanni didn't answered her instead he continued staring at Rynna.

Naramdaman ko na may sumiko saakin, nang lingunin ko ito ay nakita ko ang mukha ng babaeng umuukupa sa isipan ko simula noong first year high school.

Joberlyn...

Joberlyn Valdermore, known as the boastful person of group. Hindi ko alam kung bakit siya tinawag na ganon, kung tutuusin mabait naman siya despite her bitchy attitude. Hindi lang si Joberlyn ang may tanyag sa grupo nila. Actually, lahat sila ay mayrong bansag. Si Jhedrick Samson ay binigyan ng bansag na story maker, though I don't know why. Keziah Hana Monzanto was called as the liar of the group, hindi ko alam kung may galit sa kanila iyong nagbansag sa kaniya na liar or what but she hasn't told a single lie. Straightforward siya at sincere kung magsalita, or is it all an act? Samantha Sienna Akari is known as the goody two shoes of the group. Even though maldita siya, maaasahan mo siya.

And last but not the least, the deceiver, Rynna Angeline Montero. Ang sabi nila, ang grupo ni Rynna ang nagsolve ng kaso ng serial killings dito 2 years ago. Base sa naalala ko noon, she deceived the killer. Hindi inexplain kung paano pero ever since that incident naging tanyag ang pangalan niya. May kung anong misteryo ang bumabalot sa grupo nila na nakakuha ng atensyon namin nila Clyde. Feeling ko, unti unti namin silang nakikilala.

"So, why don't we eat muna?" Suggest ni Gina at saktong kumulo ang tiyan ko.

"Anong oras na?" Tanong ko.

"12:50 na" sagot ni Larry. Napatayo ang mga babae at inihanda ang mga pangkain namin. Inilapag nila sa sahig ang mga paperplates, utensils at cups. Binuksan ni Cyril ang de lata at inilagay sa isang malaking tray.

"What is that?" Napalingon kaming lahat kay Anne. "What?"

"Sardinas to. Don't tell me..." Pinutol ni Anne ang sinasabi ni Janna sa pamamagitan ng pagtango. Nagkatinginan kaming lahat bago tumawa.

"Seriously? Saang bundok ka nakatira at hindi mo alam to?" Biro sa kaniya ni Joash. Napakagat lang ito ng labi.

"Hindi kami kumakain niyan sa Japan ehh" napa aww ang mga kasama namin habang binibigyan ng malungkot na tingin si Anne. I wonder kung anong klaseng pamumuhay ang mayron siya.

Nang matapos kami sa paghahanda ay nagpray kami saglit bago kumain. "Paano ka kakain niyan?" Tinignan ko si Clyde at nakatingin siya kay Blue na buhat buhat parin si Rynna.

"Hindi ka ba napapagod?" Tanong ni Beckett na nakakunot ang nuo. I can see curiosity in his eyes.

Napailing si Blue bago ngumiti. "Hinding hindi ako mapapagod" then he looked at her. "Kahit mahirap siyang abutin, hindi ko siya susukuan. Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya pero isang araw nagising nalang ako na siya na ang hinahanap ng buong pagkatao ko. She kept creeping into my mind. I kept saying her name. I won't stop until I manage to break down her walls. Fuck! I'm so whipped."

Hindi ko maiwasang humanga sa kaniya. Kalat sa buong school ang rivalry ng mga grupo namin up to the point na gumawa si Clyde ng rule. Ang golden rule namin. Ayon na din sa confrontation nila Gina at Rynna sa magic lake, nalaman namin na bago pa kami mag high school ay may nararamdaman na si Blue sa kaniya.

"Remember the golden rule Blue. Hindi porke lagi na siyang hinahanap hanap ng pagkatao mo ay kakalimutan mo na ang nag iisang batas na meron tayo" napalingon kaming lahat kay Joash. Matalim ang tingin niya kay Blue habang umiigting ang panga.

The Deceived OnesWhere stories live. Discover now