Chapter 24

5 6 0
                                    

Third's Person POV

"We need to get rid of her... In that way mamamayagpag ang Jamesons" nakangising saad ng lalaki habang kausap ang isang high schooler.

Napakunot ang nuo ng binata sa sinabi ng kausap. "How can we do that? We all know how smart that bitch is. Bago pa tayo makakilos ay nakagawa na siya ng hakbang. It's like going inside a black hole!"

Napatawa ang lalaki sa sinabi ng binata. "Don't exaggerate. She's just a little rat that is waiting to be experimented. Make her believe that you like her... Be nice, subukan mong kunin ang loob niya in that way, malaya tayong makakakilos"

The high schooler snorted. "I wish it was that easy"

Lumapit ang kausap niya at tinapik ang balikat. "Magbibigay ng task si Turnscrew at kasama ang babaeng Montero sa ipapadala sa Gaea. Kasama na din iyong mga kaibigan mo at iba pang estudyante na mula sa Heisanberg at Athena"

Nanlaki ang mga mata ng binata sa narinig. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla siyang kinabahan nang marinig na kasama ang mga kaibigan niya na ipapadala sa Gaea. Turns out, kailangan nilang i retrieve ang manuscript ni Professor Gaea, ang lalaking may ari ng Gaea International School na nasunog ilang taon na ang nakalilipas.

Mas lalo siyang kinabahan nang malaman ang mga Jamesons ang dahilan ng pagkasunog ng eskuwelahan at ang dating tahanan ni Gaea. Hindi na muling nakatungtong ang mga Jamesons sa isla dahil sa substances na pinakawalan ni Gaea sa paligid ng eskuwelahan. Hindi nila alam kung ano iyon pero isa lang ang natitiyak nila, mapanganib ang substance na iyon.

"Y-you want me to finish her in Gaea?" mahinang sambit ng binata. Mabagal na pumalakpak ang lalaking kaharap.

"You're right. Don't worry, hindi lang ikaw ang gagawa ng mission na iyon. May ipapadala din ako na tutulong sayo na dispatsiyahin ang babaeng iyon. Masyado na siyang sakit sa ulo ng Reyna natin"

Ang reyna na tinutukoy niya ay ang nakakatandang kapatid na si Rihanna Crystal Montero. Itinakwil siya ng mga magulang niya matapos niya makipag sabwatan sa Jamesons upang tapusin ang buhay ng nakababatang kapatid. Napuno ng selos, inggit at galit ang nakakatandang Montero, marahil ay hindi niya matanggap na nalagpasan ng nakababatang kapatid ang talino't kakayahan niya.

Walang nagawa ang binata kundi pumayag. Ang pamilya nila ay malapit na kaibigan ng mga Jamesons kaya nang humingi sila ng tulong ay hindi nagdalawang isip ang pamilya ng binata na tulungan ang mga Jamesons.

"Mauna na ako at baka hanapin ako ng kapatid ko" lumabas na ang lalaki sa kotse ng binata at iniwan siya. Napabuntong hininga nalang ang binata at lumabas sa kotse. Inisip niya ang mga kahihinatnan ng gulong pinasok niya.

'Paano ko kaya siya matatapos?'

Naputol siya sa pagmumuni muni nang tinawag ang pangalan niya. Nang lingunin niya ito ay mukha ng kaibigan ang bumungad sa kaniya na nasa loob ng kotse nito. "What are you doing here? Hindi kapa ba uuwi?"

The Deceived OnesWhere stories live. Discover now