Chapter 20

5 6 4
                                    

Samantha's POV

Nagising ako kinabukasan sa kuwarto namin ni Kira.

Wait!

Paano ako nakarating dito?

Pilit kong inalala ang mga nangyare kagabi. Mula sa pagbalik namin sa Gaea hanggang sa makatulog kami sa barko dahil sa labis na pagod. Hindi kaya binuhat ako ni Clyde?

Tinignan ko ang mga damit na suot ko. It wasn't the clothes that I was wearing when we went back. Maybe Rynna changed my clothes? Or maybe it was Kira?

Napalingon ako sa may pinto nang bumukas ito, bumungad si Kira na may ngiti sa labi. "Sorry hindi na kita nagising, ang sarap kasi ng tulog mo kaya hinayaan kita"

Umupo siya sa tabi ko. "What time is it?" I asked.

"11:30 na" nanlaki ang mga mata ko. I slept for that long? "Yes, hindi ko nga alam kung bakit puyat na puyat ka"

Napangiwi ako nang marinig ko ang tawa niya. "Maliligo na muna ako, bumaba kana doon" tumango si Kira at umalis. Napabuntong hininga ako bago dumiretso sa cr.











"Bakit puyat na puyat kayo?" Tanong ni Larry sabay turo saamin.

"Napagod sila" nakangising saad ni Rynna. Nilingon siya ng mga kasama naming naiwan kagabi tapos nanlalaki ang mga matang nilingon kami.

"Malaki ba?" Nabulunan ako sa iniinom ko nang marinig ang sinabi ni Gina.

"W-what?" Namumulang saad ni Keziah.

"Mahaba ba?" Tanong ni Beckett. Narinig ko ang mahinang hagikgik ni Matt. Nilingon ko ang mga kasama kong bumalik ng Gaea at nakita ko ang pamumula ng mukha nila. This is fucking embarrasing!

"S-shut up" nauutal na saad ni Veiko. Shit! Bakit ganyan sila sumagot?! Wala namang nangyari saamin bukod sa hinabol kami ng lalaki kagabi.

"Mabilis o mabagal?" Lumakas ng konti ang tawa ni Matt nang marinig ang tanong ni Cyril.

"Mabilis, naabutan nga eh" mahinahong saad ni Gio. I gave him a what-the-fuck-are-you-saying look.

"Masarap ba?" Tanong naman ni Miya.

"Would you please stop" naiinis kong saad.

"Nakita niyo ba lahat?" inosenteng tamong ni Hannah. Isa pa! Masasapak ko ang mga gago na to.

"H-hindi, madilim kasi eh" halos umusok ang ilong ko nang marinig ang sagot ni Joberlyn. Napansin niya siguro ang talim ng titig namin. "Bakit? Totoo naman ahh, madilim kaya hindi natin masyadong nakita"

Humagalpak sa tawa si Matt habang kaming mga babae ay namula. Taena! Jopay, hindi ito ang tamang oras para ibuka ang bibig.

"Sumigaw ba?" Tanong naman ni Anne. Jusko! Iligtas niyo ako sa mga ito.

"Yeah, ang lakas nga eh" sagot ni Clyde.

"Saan nangyari?" Gatong ni Janna.

"Sa Gaea" maikling saad ni Rynna.

"What?!" Napatayo sa inuupuan si Joash. "Dumayo kayo ng Gaea para..... para gawin iyon?!"

"Gago!" Sigaw sa kaniya ng mga kaibigan. Rynna just smirked while Matt was already on the floor laughing his ass off.

"K-kumain na nga lang tayo" nauutal na saad ni Keziah. This is so freaking embarrassing. Saan nila nakuha ang mga sagot nila?! Imbes na linawin na walang nangyare ehh pinatulan nila!

Gago ang mga kasama mo Sam... Pahabain mo ang pasensya mo...

Nang matapos kaming kumain ay agad kaming bumalik sa kuwarto namin para magbihis. Mag swimming daw kami para marelax, sasamahan daw ng alak at barbeque sabi ni Matt. This'll be fun.

The Deceived OnesWhere stories live. Discover now