Pahina 12

121 3 26
                                    

Rosé

After naming mag-usap ni Jisoo, bumalik na ako sa condo. Nakakapagod din palang mag-serve ng kape. Gosh. Kung hindi ko lang talaga mahal si Lisa, hindi ko 'to gagawin. Don't get me wrong, mahal as a friend ocakes.

Kababalik ko lang from New Zealand kaagad naman akong napasabak sa Mission Imposible na 'to. Ang hirap siguro talagang ma-in love sa bestfriend 'no? Dama niyo ba? Well, that's what you get when you let your heart win sabi nga sa kanta ng Paraless, I mean Paramore. My God, Rosé. You are so funny. Funny pero 'di ynnuf.

(Tawa kayo, dali!)

Na-meet ko si Lisa noong isang beses na nagbakasyon ako sa Thailand. Namimili ako sa night market nang magkabanggaan kami. Katulad ng banggaan sa mga pelikula, kunwaring babagal sa pag-ikot ang mundo. Tapos akala mo siya na ang para sa 'yo. Lol. I'm just kidding. Ang totoo niyan, sinamahan niya akong mag-iikot-ikot after niyang mabangga ako. Bilang paghingi na lang daw ng sorry, tutal siya naman ang taga ro'n, iga-guide niya raw ako. At doon naman talaga nagsisimula ang pagkakaibigan, sa banggaan.

Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit kailangan kong araw-araw bigyan ng kape si Jennie. Dito na lang ba iikot ang buhay ko? Pero pwede rin namang kay Jisoo. Yep. I know her. Palagi ba namang laman ng mga kuwento ni Lisa. Isang taon lang naman 'to at uuwi na rin ako sa New Zealand. Akala kasi ni Lisa after a year fully healed na siya. Kung alam niya lang doon pa lang magsisimula ang lahat.

Hindi ko siya ginagambala, isang taon daw siyang hindi magpaparamdam kusa na lang siyang babalik kapag handa na siya at mukhang matatagalan pa iyon.

Naghubad ako ng sapatos at basta na lamang humandusay sa couch.

Tinatamad na akong kumain, lasing na lasing ako sa amoy ng kape. Parang buong sistema ko na-absorb ang kape.

Dinadalaw na ako ng antok nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sa ganitong oras wala na akong inaasahang tatawag pa.

"Hello?"

Ilang segundo rin akong naghintay pero walang nagsasalita sa kabilang linya. Wrong number siguro. Ako na rin ang nagbaba ng tawag.

Unang araw ko pa lang pero pagod na pagod na ang katawang-lupa ko. Sana lang ay worth it itong mga ginagawa namin para maka-move on na si Lisa. Wala na siyang pag-asa. Kasal na si Jennie. Hindi naman ako makapapayag na maging pangalawa siya. Kung pwede ko lang sana siyang hatian sa lahat ng bigat na dinadala niya, ginawa ko na.

Ang hirap din naman kasing makalimot, hindi naman kasi ito nakukuha sa isang tulog lang. Naiisip ko pa lang kung gaano siya nahihirapang sarilinin ang nararamdaman niya parang nadudurog na ako. Ang komplikado kasi ng pag-ibig. Ang ibig kong sabihin, ang komplikado ng mga tao.

Kinapa ko ang phone ako at nagpunta ako sa notes.

Kung iyong mamarapatin,
Maari ba kitang ibigin?
Hindi man kasing lalim ng balon
Pangako, hindi ko sasayangin ang pagkakataon
'Wag mo sanang ipagkait ang ilang saglit
Sa isip ko'y hindi ka mawaglit.

Bahagya akong napangiti. Napaka-korni ni Lisa. Hindi ko yata matatagalan ang ganito ka-korning tao. Hindi ko na napigilan, tumawa ako nang malakas kahit mag-isa lang ako rito sa condo.

Ang hirap sigurong umibig sa isang makata?

Lord, mabuti na lang po hindi niyo pa ipinadadala ang bibihag sa puso kong minsan nang nasugatan at nasawi.

Napatakip ako bibig ko. Nahahawa na ako kay Lisa. Kailangan ko na sigurong i-ligo ito. Hindi na ito nakakatuwa. Nagiging mais na rin ako.

To: Lisapoo

She's fine. Wala kang dapat ipag-alala. Keep safe, ocakes? I'll see you when you're ready.

Nag-message muna ako kay Lisa bago ako nagdesisyong maligo. Paminsan-minsan kailangan ko rin sigurong i-update siya. Baka bored na bored na siya sa kung saang lupalop man siya namamalagi.

From: Lisapoo

Thanks, Chaeng. Love you! I'll be back, soon. Soon.

Hindi ko na inaasahang sasagot siya. Miss na miss na niya siguro si Jennie.

To: Lisapoo

Okay. Okay. Na-serve ko na ang kape ng pinakamamahal mo. What's next?

Ang tagal kong nakatitig sa cellphone ko pero mukhang malabo na siyang sumagot. Iniwan ko ito sa couch at nagtungo na akong banyo.

Ang komplikadong magmahal lalong higit kung hindi tayo minamahal pabalik.

•••
Sa wakas na-update ko rin ito. HAHAHA! Stream On The Ground. Sususbukan kong sumilip paminsan-minsan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FallWhere stories live. Discover now