Pahina 11

97 6 2
                                    

Jisoo's

Not the almighty one, ocakes. Just Jisoo Turtle Rabbit Kim. Basta na lamang ako tinawagan ni Jennie para lang magkape. Seriously, Jennie? Sa unang araw mo bilang may-asawa narito ka at nagkakape? Okay ka lang, bHie?

"Spill?"

"Ang kape?"

"Kung sa 'yo ko kaya iyan ibuhos?"

"Alam mo ikaw, napakasungit mo. Hindi ka lang pinansin ni Miss Park nagkakaganyan ka na."

"Puwede ba, Jennie wala akong pakialam sa kanya, okay? Naiinis lang ako na bakit ikaw meron tapos ako wala? 'Di ba? Nasaan ang logic doon?"

Nagsasabi ako ng totoo. 'Di ba dalawa kami rito tapos si Jennie lang bibigyan niya?

"Ikaw nga Jennie, umamin ka nga sa akin. 'Di ba madalas ka rito? Baka naman chix ni Lisa si Park-park na 'yan tapos alam na ikaw ang bestfriend kaya nagpapalakas sa iyo."

Sinadya kong bigyan ng diin ang bestfriend kasi naman siya lang talaga ang bulag na hindi nakakakita kung gaano siya kamahal ni Lisa.

"Sa totoo ngayon ko lang siya nakita rito," sagot ni Jennie.

"E bakit parang kilala ka niya sa paraan ng pagtingin niya."

Hindi ako maaaring magkamali. Humanda ka sa aking Park-park ka. Sounds like pakpak. Jisooskopo! Kailangan ko na talagang bawasan ang pagkain ko ng manok.

"Nasaan si Lisa?"

Sinasabi ko na nga ba e.

"Bakit mo sa 'kin itinatanong, ikaw ang bestfriend hindi ba?" Napakunot siya.

"After ng kasal hindi ko na siya nakita. Hindi rin siya nagme-message or tumatawag."

Tinotoo na yata ni Lisa na once na ikasal si Jennie, magpapakalayo-layo na siya.

"Hayaan mo na lang siya, Jennie. Baka may pinagdaraanan lang?"

"Ano namang pagdaraanan niya?" Tinasaan niya ako ng kilay.

Wow.

"Chill, Kitten."

"Wag mo akong matawag-tawag na kitten diyan ha."

"Chill, puppy?"

"Jisoo!"

"Nagbibiro lang ako. 'Wag ka nang mag-alala, sooner or later babalik din siya."

"Anong babalik? Umalis ba siya?"

Oops!

"I mean dadalawin ka rin niya. Siguro naisip niya lang na busy ka dahil syempre nga 'di ba bagong kasal ka. Kaya hindi ko rin maintindihan kung anong ginagawa natin dito."

"Ano pa nga ba, e 'di nagkakape. Ano pa bang gagawin natin dito?"

"Pilosopo Tasya!"

"Nakakainis ka kasi. Parang may alam ka na hindi mo sinasabi sa akin. Umamin ka nga Kim Jisoo, may alam ka ba sa pagkawala ni Lisa ko?"

Ay wow! Lisa ko. May pang-aangkin.

"Alam mo? Praning ka na. Diyan ka lang order lang ako ng kape ko."

Sandali akong tumayo at nagtungo sa counter.

"Miss Park?"

"Yes, Miss Kim?"

Whoa! Bakit niya ako kilala?

"A, narinig ko lang na tinawag ka ni Jennie na Kim Jisoo."

"Ah." Tumango na lamang ako kahit medyo hindi ako kumbinsido.

Jennie? Parang kilalang-kilala niya ito sa paraan ng pagbanggit niya sa pangalan nito.

"Gusto ko rin ng brewed coffee," sabi ko saka nag-abot ng bayad.

"Dalahin ko na lang sa table mo."

Sadya bang ganito 'tong makipag-usap? Parang tropa lang ako a. Ipatawag ko kaya manager nito?

Nevermind. Psh.

Bumalik ako sa table namin ni Jennie at napansin kong tulala siya.

"Miss mo na 'no?"

"Oo."

Sabi na e.

"Ha?"

Anong ha? Huling-huli na siya.

Ewan ko rin ba rito kay Jennie bakit bigla na lamang nagpasakal kay Kai. I mean nagpakasal. Hindi ko alam kung mahal niya ba talaga ito o mahal niya lang ang ideya na mahal niya nga ito. Ang gulo 'di ba? Mabuti na lamang at single ako. Walang hassle sa buhay. Tamang kain lang ng manok sa gedli.

"Jisoo, ako ba ang may kailangan ng kausap o ikaw? Mas mukha ka pang maraming iniisip kaysa sa 'kin."

"Sorry. Sorry."

Maya-maya pa'y dumating na si Miss Park dala ang kape na inorder ko. Wala bang ibang crew ito? Bakit parang lahat siya lang ang gumagawa?

"Enjoy, Miss Kim."

Gosh. Ang creepy ng pagkakasabi ng enjoy. Baka mamaya may gayuma pala 'to. Ang hirap naman kasi ng sitwasyon ko. Ang hirap maging maganda sa araw-araw, sa totoo lang. Wala lang talaga akong choice, wala e, ganyan talaga isinilang akong maganda.

"Jisoo! Ilang tawag ko pa kaya sa 'yo?" iritableng turan ni Jennie.

"Tuloy pa ba kayo ni Kai?"

"Tuloy saan?"

"Sa pagma-migrate? Akala ko sa New Zealand na kayo titira? 'Di ba sabi niya doon niya gustong bumuo ng pamilya?"

"A, oo nga pala." Walang gana niyang sagot.

Hindi ba dapat masaya 'tong babae na 'to kasi newly wed? Bakit parang daig pa nito ang namatayan.

"Mukhang wala akong mapapala sa 'yo, Kim Jisoo. Uuwi na lang ako at matutulog. Dito ka na." Tumayo siya at naiwan akong mag-isa.

Seryoso ba siya inabala niya ako tapos basta na lang tinalikuran? May araw ka rin sa aking pusa ka.

"Miss Kim."

Nagulat ako sa pagtawag niya.

"I have something to tell you."

FallWhere stories live. Discover now