Pahina 4

87 7 2
                                    

Nakatutunaw ang iyong titig
Mistulang halamang alaga sa dilig
Mamumunga, mamumulaklak
Nakalalasing, katulad ng alak.

Third grade, sa may palaruan na puro kalawang ang yari sa bakal na duyan. Naupo ka at bilang alipin, idinuyan kita. Parang musika sa aking tainga ang iyong halakhak at tawa. Kay sarap sigurong gumising sa umaga na ikaw ang unang makikita.

Kung sa dagat ay may perlas at hardin ay may rosas, dito sa palaruan, may isang paraluman. Kung makikita mo lang kung paano kita tingnan, mapagtatatanto mo kayang iniibig kita sa una pa lang?

Sumakay tayo sa see saw. At sa tuwing nasa itaas ka habang nasa ibaba ako, parang bumabagal sa pag-ikot ang mundo.

Puwede ba kitang ituring na mundo?

Isinunod natin ang slides at syempre madulas. Nauna ka sa pila at ako ang bantay na nakaabang, naghihintay sa tuluyan mong pagkahulog.

Kailan ka ba mahuhulog?

FallWhere stories live. Discover now