Pahina 9

62 5 1
                                    

Mabigat ang bawat paghinga
Pinipilit ang sariling kumalma
Lumalalim ang buntong-hininga
Maaaring bang sa yakap mo ako mamahinga?

Sa tuwing maririnig ko ang salitang imported, spam ang unang sumasagi sa isip ko. Spam at ikaw. Wala ka bang pasalubong na tsokolate, kahit 'yung mapait hindi na sanay ang labi ko sa tamis. Kay tagal kong nangulila sa asukal, ang ibig kong sabihi'y sa iyo. Iyon ang tamis na araw-araw hinahanap ng dila ko, ang pagbanggit sa pangalan mo. Wala ka bang dalang Nivea? Nais kong ipahid sa palad ko, nanunuyo na ito. Nananabik sa banayad mong paghawak sa tuwing tumatawid tayo sa lansangang hindi kilala ang katahimikan. 'Wag ka sanang manibago, nagulat lang ako sa pagbalik mo. Hindi ko napaghandaan ang ganitong senaryo. Paano ba? Yayakapin ba kita? Iiyak? Hahagkan? Nagbibiro lang ako sa hahagkan. Pero nadadaan naman ako sa pilitan. Nakahanda akong maging kasangkapan kung nais mo akong hagkan. Pikit-mata kitang hahayaan.

FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon