Pahina 5

65 5 0
                                    

Ikaw ang unan
Nais kong yakapin sa higaan
Ikaw ang kumot
Nais kong sa aki'y ibalot
Ikaw ang kama
Nais kong makasama.

Fourth grade, walang umagang hindi ako masaya lalo na't sabay tayong pumapasok sa eskwela, mabuti na lang naisipan ni mama na dito na tumira. Mas madali kitang maibabahay kumbaga. Pero syempre nagbibiro lang ako. Bata pa tayo at marami pa tayong pangarap, hindi ka naman marami pero ikaw ang pangarap ko. Madalas mo akong mahuling tulala, hindi mo alam humihiling na ako sa mga tala. Gusto kong makipagkasundo sa kanya na tayo ang itakda sa isa't isa. Minsan iniisip ko, kausapin ko kaya si Mama para kausapin ang mama mo? Na sa sandaling tumuntong tayo sa wastong edad ay ipakasal na niya ako sa 'yo? Magandang ideya, hindi ba, Mahal? Kinikilig ako sa mahal 'wag mo lang akong tatawaging mura.

Ako, ikaw, tayo laban sa mundo. Walang mananakit sa 'yo, maski langgam hindi ka malalapitan. Nais kitang alagaan. Isipin mo mang nahihibang pero oo, nahihibang na ako. Gusto ko akin ka, katulad ng lapis at pambura. Hindi puwedeng mawala sa isa't isa.

Tanda ko, may isang batang humila sa buhok mo. Nginitian ko lang siya pero alam mo kung anong ginawa ko no'ng recess? Itinago ko ang baon niya. Mahimatay siya sa gutom, naiganti na kita. Hindi ako masamang bata pero kung sasaktan ka nila, tutubo ang sungay at buntot ko habang tangan-tangan ang tinidor na mas matangkad pa sa 'yo.

FallWhere stories live. Discover now