Pahina 10

77 4 0
                                    

Mahal kita
Ma-hal ki-ta.

Kahit deretso o may putol, iisa ang punto. Mahal kita. Hindi ko man masabi nang harapan dito man lang sa lihim na pahina ay iyong mabasa. Mahal kita. Mabilis o mabagal, ma-hal ki-ta. Walang gitling ang makapagdidikta kung gaano kalalim ang aking nadarama. Paulit-ulit at paulit-ulit, mahal kita. Kung hindi man kita tinutugon 'yon ay dahil malimit kong ibinubulong. Kapag natutulog ka, kapag kumakain, kapag naglalakad, kapag nagsususulat, kapag nakatitig, kapag nagsasalita at kapag humihinga ka. Palaging kasabay niyon ang bawat mahal kita. 'Wag kang magtatampo kung bakit hindi mo naririnig ang bawat pagtugon ko. Nilikha ang aking mga tugon bilang isang bulong. Hindi maaaring isigaw. Hindi maaring ihiyaw. Nagtatago lang sila sa mga lihim na titig, umaasang iyong maririnig gaano man ito kahina. Tinanggalan man ito ng karapatan bilang isalita. Mananatiling mahal kita, pasulat man o pasalita.

FallWhere stories live. Discover now