Pahina 7

68 6 9
                                    

Sa sandaling magtagpo ang ating mga mata
Pangako, isusulat kita sa bawat pahina
Ilalatag ang aking nadarama
Bibigkasin ang mga salitang mahal kita
Mula umpisa
Pangako, sa sandaling magbalik ka
Hindi na ako maduduwag pa.

Hindi ito deja vu, pero may bagong mukha sa kolehiyo. Imported parang spam at uulitin ko, sana hindi scam. Gustong magwala ng buong sistema ko.  Ilang taon kitang hinintay, ilang taon akong nangulila sa 'yo. Walang nagbago, ikaw pa rin ang pinakamaganda sa paningin ko. Walang nagbago, maging ang nararamdaman ko. Ikaw at ikaw pa rin ang itinitibok nito. 'Yang sa 'yo kaya may itinitibok na? Hindi ko iisiping ako. Malabo.

Niyakap mo ako, "Nagbalik na ako. Na-miss kita, Lilibear."

Hindi ka naman hagdan pero nahulog ako sa 'yo. Hulog na hulog na ako sa 'yo. Gusto kong purihin kung gaano ka pinaganda sa paglipas ng panahon. Kung paanong luluhod ang mga tala sa sandaling masilayan ka nila. Kung paanong hindi ka naman araw pero pinaliwanag mo ang madilim kong mundo. Kung paanong hindi naman ako mais pero ang korni ko. Kung paanong hindi naman ako si Taylor Swift pero look what you made me do. Kung paanong hindi naman ako BLACKPINK pero I want to STAY and Kick it until you found it. Duwag ako pero gustong-gusto kita and I don't want to kill this love. Takot ako sa apoy but playing with fire is what I needed to ease this emptiness and coldness that i'm feeling right now. I really don't know know what to do so I just whistle. You know Ddu-du ddu-du, it's the sound of heart everytime I see you. It also says boombayah, I want ice cream and sour candy under the shade of moonlight with you holding my hands. And this is me, imagining things that won't happen. Hope not. See you later, call me when you're going solo. I might hug you as if it's your last, admit my feelings and tell you that I might get old but I will be forever young in love with you.

At ako ulit 'to, isusulat ka sa paraang alam ko. Sa paraang hindi malalim pero malulunod ka sa babaw.

Fallحيث تعيش القصص. اكتشف الآن