Pahina 3

108 5 0
                                    

Maitatanggi ko bang gusto kita
Kung sa bawat paglapit mo'y
Pinipigil ko ang aking paghinga?
Nangangambang marinig mo
Ang malakas na ugong ng dibdib ko
Pangalan mo ang nagkukubli rito.

Second grade, may homework tayo. Sabi mo, mag-overnight na lang ako sa inyo. At bilang batang sabik sa kalaro, nagpahatid ako kay mama papunta sa puso mo. Nagbibiro lang ako. Ang ibig kong sabihi'y sa bahay ninyo. Nag-iisang anak ka pala? May sariling kamay naman ako pero paano ko kaya hihingin sa mama mo ang mga kamay mo?

Habang nagsasagot ng homework natin ay bigla kang nagtanong, "Can I call you, Lilibear?"

Ow. You can call me mine. I won't mind.

Ako na yata ang pinakamasayang bata noon. At syempre mas sweet daw kapag may endearment kaya tinawag din kitang Ninibear.

My Ninibear.

Nang matapos natin ang ating homework, nagyaya kang manuod ng T.V. Hindi pa uso ang Netflix noon. Tamang CD lang na nirentahan pa yata ng mama mo na gusto ko na ring tawaging mama ko kung ayos lang sa 'yo, kasi ro'n din naman tayo patutungo. Ikaw, ako, tayo. 'Di ba ang romantiko?

Hindi ko namalayang nakatulog ka na pala. At kahit maliit at marupok ang braso ko, nagawa kong ilipat ka sa kama mo. Hindi ako napuyat, hindi ako napuyat kababantay sa 'yo kaya noong tinanong mo ako kung bakit mukha akong panda nasabi ko na lang na namamahay ako at hindi ako sanay makitulog sa iba. Kung nauso lang sana ang camera noon, baka ikaw ang may pinakamagandang retrato habang natutulog. Kung gaano kapayapa ang pagbaba at taas ng balikat mo. Kung paanong kinikilig ako sa mumunting hilik mo at sa pag-umis mo. Sana lang ay ako ang nasa panaginip mo.

FallWhere stories live. Discover now