Pahina 2

152 7 12
                                    

Hindi maamin
Ang matagal ko nang lihim
Iniibig kita simula pa no'ng umpisa.

First grade, ikaw 'yung transferee na galing daw ibang bansa. Wow, imported parang spam, sana hindi scam. Walang bakanteng upuan maliban sa tabi ko, wala kang pagpipiliian kundi ang piliin ako. Nginitian kita, malas ko, taas-kilay naging tugon mo. Pinaglihi ka siguro sa sama ng loob ng mama mo. 'Di bale, pangako, araw-araw ko namang pagagaanin ang loob mo.

Recess, ang paboritong subject ng mga bata. Wala kang baon, naawa ako sa 'yo kaya hinati ko sa tatlo ang tinapay na dala ko. Alam mo 'yung alaska kondensada? The best na palaman 'yon, unang beses mo sigurong nakatikim no'n. Sa unang pagkakataon, nginitian mo ako. May mahika ang alaska, napaamo ka niya.

Uwian, sinundo ka ng mama mo at ako sinundo rin ako ng mama ko. Oh 'di ba, may mama tayo. Gusto kong paman-manan ka, tipong stalker sa eskinita, kaso bata pa ako no'n wala akong pambayad sa magiging bantay mo. Kung ako na lang kaya maging bantay mo? Tipong Anghel dela Guardia sa umaga, dakilang mangingibig sa gabi. Nagbibiro lang ako, pero puwede rin naman nating totohanin. 'Yun ay kung ako'y iyong sasagutin. Oo o oo? 'Wag naman sanang o, hindi 'yun kasali sa pagpipilian katulad ng malabong piliin mo ako.

•••

Yay! Pakiramdam ko magpo-focus ako rito. May mga plano ako at dahil hindi naman ako nag-a-outline baka bigla kong makalimutan. Remind niyo naman akong magsulat. Hahaha. Thank you!

FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon