Chapter 35

2.5K 57 1
                                    

"Anong ginagawa mo rito?" Wika ko. My parents was now looking at me. Nervously.

"Hindi ba sabi ko naman sayo kukunin ko ang apo ko. Ang bawat naisin ko ay makukuha ko. And I am here to get what I wanted to have" saad nito bago nag simulang mag lakad papalapit sa akin. Hindi ako natinag mula sa kinatatayuan ko.

Tinignan ko lamang siya habang patuloy pa rin sa pag lapit sa akin. Ng ilang dangkal na lang ang distansya niya ay tumigil ito bago binigyan ako ng nanunuyang mga titig.

"Hindi sasama sayo ang anak ko. Raven will stay in this house and will never go with you. Pinalaki ko ang anak ko ng mag isa. Kailan niya lang nakilala ang ama niya. Sa tingin mo ba ay sasama siya sayo kung ang ama niya nga ay hindi mapilit ang bata. Sinasabi ko sayo Veron. Na kahit anong gawin mo hindi ako mag papatalo. And your pet Alexa Simon. The oh-so-called most beautiful actress and most popular woman was tailing me. Ano yun. Hindi mo na ba kayang mag pakuha ng taga manman?" Pang iinis ko sa ginang.

Saan ba ako kumukuha ng lakas ng loob para sagot-sagutin ang gaya niya. Siguro dahil sa inis ko dito. Or siguro ay dahil hindi ko siya kayang irespeto.

"Walang-wala na kayo tapos ang lakas pa ng loob mo na sagot-sagutin ako. Ganiyan ka bang pinalaki ng magulang mo" she shouted at me.

"Pinalaki ako ng magulang kong tumatayo sa sarili kong mga paa. They never control me. They never push me down. Hindi gaya ng pag papalaki mo sa anak mo na kontrolado mo ang lahat" I shouted back. Taas-baba ang dibdib ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Kaya ka siguro pinalayas ng magulang mo dahil napaka tigas ng ulo mo. Akala mo kung sino ka na" sigaw niyang muli sa akin.

I greeted my teeth while staring at her. Pinupuno niya ako.

"Hindi dahil matigas ang ulo ng anak ko kaya ko siya pinaalis noon. At sino ka para sigawan ang anak ko. Wala kang karapatan" my mother shouted. Ikinagulat ko ang pag sigaw niyang iyon.

Nag uumapaw naman ang ligaya ko ng ipagtanggol ako ng aking ina. Ito ang unang beses na pinagtanggol niya ako. Ang unang beses na pinaglaban ako ni Mama sa iba.

"Huwag na huwag mong masigawan ang anak ko ulit. Dahil mag kamatayan man hindi mo makukuha ang apo ko. Nag kamali ako noon pero hindi ko na uulitin ang pag kakamaling iyon. Kaya umalis ka na bago pa kita kaladkarin palabas" sigaw ni Mom.

A tear escaped from my eyes. My Mom. My Mom was fighting for me.

"Ang anak mo walang respeto sa matanda. Pag sabihan mo yang anak mo kung ayaw ninyong pulutin sa kangkungan. I will tell Ellexia to throw your family away from this house. Anong akala mo hindi ko kilala ang pamilya niya. Mag balot-balot na kayo ngayon pa lang" Dwayne's mother shouted before walking away.

Pag alis niya ay agad akong niyakap ni Mommy at Daddy. But stomach ache kaya bahagyang umawang ang labi ko at napayuko ako ng kaunti.

Sapo-sapo ko ang aking tiyan habang hawak ng isa kong kamay ang braso ni Mommy.

"What happened. Honey anong nararamdaman mo?" Alalang tanong sa akin ni Daddy.

"I don't know Dad"

"May dugo ang damit mo. Hindi kaya buntis ka?"

When I hear that to my Mom biglang lumamig ang paligid. Buntis ako. Paano ang baby ko. Lumukso ang puso ko sa kasiyahan ngunit nawala iyon bigla dahil sa kaunting kirot sa tiyan ko.

"Mom. Mom paano ang baby ko" I said habang sapo-sapo ang tiyan ko.

"Ready the car Elmo" my mom shouted to my Dad. Agad namang tumalima ang aking ama at inalalayan ako ni Mama mag lakad.

He's My Teacher (El Señorita Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora