Chapter 13

2.8K 90 1
                                    

Nakarating kami sa bahay ni Yuri madali na hating gabi. Hindi pa rin nila ako maalo. Parang sobrang sakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Halos hindi ko kayang bawasan ang sakit nito. Kailan ko ba ito matatakasan. Maiibsan at hindi na mararamdaman. Pag wala na ba ako.

"Kaya mo yan. Don't worry nandito lang kami. Aalagaan ka namin. I can be your sister" Umiiyak na bigkas ni Yuri habang pilit na inaalis ang luha sa mata niya.

"Bakit ka umiiyak?" Natatawa ko ring sabi dito bago binatukan.

"Bakit ka rin umiiyak. Gaga ka. Huwag kang umiyak" she half shout.

Ako ang may karapatang umiyak dito tapos tatanungin niya ako. Gaga talaga ang isang to. Sarap niyang hampasin. Hambalusin ko na kaya.

"Oh ano. Huwag ka ng umiyak" Yuri said again.

"Ako lang dapat ang iiyak. Bakit kasama kayo? Mga to. Bawal kayong umiyak" I said firmly to them. They just hug me. Ang sweet nila. Pwede ko na kaya silang ihulog sa kama.

"Matulog ka na. Another day bukas" bigkas ni Issa sa amin. Tumango ako saka nahiga.

"Natural. Another day nga diba"

We sleep that night. Very light. And I am happy being with them. Nawala man sa akin ang pamilyang iyon napalitan namam ng bago.

Nagising ako bandang madaling araw. Parang may kung anong umikot sa tiyan ko. Gusto kong mag suka kaya naman ay tumakbo ako sa cr ng kwartong iyon. Nahirapan pa akong umalis sa pag kakayakap ng dalawa sa akin.

Humarap ako sa sink at tanging laway lang ang naisuka ko. Hindi ko alam. Basta gusto kong mag suka pero walang nalabas.

"Ayos ka lang ba Mayumi?" Nag tatakang tanong ni Issa sa akin. Pumupungas pa silang dalawa habang nasa pinto ng cr.

"Oo. Nasusuka lang ako. Siguro may nakain lang ako kagabi na hindi ko dapat kainin" dahilan ko. Nag mumug ako bago tumayo.

"Wala kang kinain kagabi remember. You just cry" paalala sa akin ni Yuri.

That hit me. Oo nga pala. Hindi ako kumain kagabi. Pero bakit ako nag susuka?

"Ilang araw ka na bang nag susuka?" Tanong muli ni Yuri.

"Mga isang linggo na rin bakit?" Her mouth fell open then she shout.

"Your pregnant. Damn  it he score" hysterical niyang saad sa akin habang nakaturo sa tiyan ko.

Bigla ko namang hinaplos ang tiyan ko. A smile comes out from my lips. Kung may bata ngang nabubuo sa loob ng tiyan ko it was blessing. Gusto ko ng sumuko pero binigyan ako ng diyos ng dahilan para mabuhay. 

Hindi ko alam ngunit parang nagiging emosyonal na ako lagi. Kaya ba lagi akong umiiyak? Madali akong maskatan? Lagi akong matampuhin? Dahil hindi lang ako ang nag iisang kumukontrol sa emosyon ko.

If yes then this child was my blessing.

My battle sword who makes me won the ground.

"I'll take care of him. Iingatan ko siya" saad ko habang hinahaplos ang puson ko

"Paano kung babae?" Masayang tanong ni Issa sa akin. Tumingin naman ako sakaniya then I smile again. Mas malawak

"Then I will love her. I will treasure her" sagot ko.

Sinugod ako ng dalawa ng isang mahigpit na yakap.

"Pupunta tayo sa province ng Lola ko. Doon ka mananatili hanggang sa makapanganak ka okay"

Tumango ako bago tuluyang pinakawalan ang luha ko. This was my gift. Isang malaking regalo.

After graduation ay pumunta na nga kami sa province nila Yuri. Malayo iyon sa syudad kung susumahin pero maganda. Malapit lang sa dagat at sobrang ganda ng tanawin.

He's My Teacher (El Señorita Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon