Chapter 5

3.1K 78 0
                                    

"As in hindi mo pa nakikita" Issa burst out when we are now walking down the corridor.

"Bakit anong problema doon. Saka ang cute kaya ng profile niya" saad ko sa kaniya habang ipinapakita ang picture nito sa kanila

"Yeah. Ang gwapo niya nga. Let's meet him" saad ni Yuri. Nag katinginan naman kami ni Issa dahil doon at sabay tunawa.

"Ano. Huwag kayong ganyan. Kayong dalawa. Sinasabi ko sainyo" saad niya. Umiling kami pareho ni Issa bago pinigilan ang pag tawa.

Kahit na hindi masyadong ayos sa loob ng bahay ay ayos naman ako sa labas. I am happy with my best friend in. Mahal na mahal nila ako. I am blessed to have them.

"Uuwi na ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Tumango sila pareho sa akin.

"Bukas weekend na. Mamimiss ko kayo" nakatangap ako ng dalawang batok mula sa kanila.

"Para namang ang tagal natin bago mag kita" she said to me. I pout and smile at them.

"Malay niyo" sagot ko bago ko sila hinalikan pareho at nag tatatakbo paalis. I hear them call me and throw curses at me but I ignore it. Bahala sila doon. Halos patalon-talon akong nag lalakad. Naka flats kasi ako so less hassle.

"So. You look so happy miss Cervantes" saad ng isang malalim na tinig mula sa aking harapan.  Napatigil ako sa harap niya at hinawakan ng mahigpit ang bag ko at phone.

"Wala lang. Masama bang maging masaya? Sa pag kakaalam ko wala namang nag babawal para maging masaya ang isang tao diba. You know just be happy" sagot ko at nag lakad. Nilagpasan ko siya at nag patuloy.

"Let's have some coffee. I want to have a friendly date" napatigil ako sa pag lakad dahil doon. Nabura ang ngiti na nasa labi ko dahil sa binigkas niya.

Friendly date.

Huminga ako ng malalim bago naman ako humarap.

I am in love with him. And he was teaching me how to love him more. How to fall for him deeper.

"Uuwi na ako" saad ko bago nag lakad muli palayo sa kaniya. Sinundan niya ako patungo sa gate bago niya ako hinatak papasok sa kotse niya.

Sinubukan kong lumabas ngunit humarang siya sa pinto. I saw his smile crept into his lips.

"Don't dare to go out babe. Iba ako magalit" he warn me.

Hinayaan ko na lang siya na gawin ang nais niya at dalhin ako kung saan. Kung pag aawayan pa namin ito ay makaka-agaw lamang kami ng atensyon.

Dinala niya ako sa isang simpleng cafe. The ambiance was good dahil hindi masyadong magarbo. I hate to much accessories. Ayaw ko ng maraming kung anong nakasabit. The cafe was simple and peaceful.

"What do you want? I'll get what you want" he said to me.

"Just mango or chocolate frappé and triple chocolate Bavarian cake" saad ko tumayo naman siya at kumuha ng order.

Tumunog ang phone niya at nakita ko na tumatawag si Ate. Ngumiti ako ng mapait habang binabasa ang pangalan ni ate. Sa aming dalawa ng ate ko siya ang mayroong maraming nag mamahal. She was on top. People loves her. Napakarami nila na halos hindi ko mabilang.

But me. I have only my 2 friends. I have only my sister. I have only Dion. Iilan lang sila. But  I know they love me more than billion worth

"Bakit natahimik ka?"

Umangat ang tingin ko sa kaniya at bahagyang ngumiti dito. Umiling ako bago bumagsak ang mata ko sa lamesa. Nilapag niya ang tray ng pagkain doon.

"Wala naman. Can we finish this off. I want to go home" saad ko agad. Bahagya siyang tumingin sa phone niya at tinago iyon.

He's My Teacher (El Señorita Series #1)Where stories live. Discover now