Chapter 40

3K 61 0
                                    

"Gago ka Dwayne. Isa kang malaking gago. Puputulin ko ang kaligayahan mo letse ka. Bwesit" I shouted bago umakyat sa taas at madaliang isinuot ang gown. Damn him.

Puputulan ko talaga siya ng kaligayahan. Letche siya. Bwesit siya. Fuck him to death.

Pag baba ko ay agad akong nag tungo sa labas ng gate. Hinanap ko ang kotse pero isang puting kotse lamang ang naroon. Hindi ko pa alam kung nasaan ang susi.

"Ma'am. Anong nangyayari?" Saad ng lalaki sa akin.

I didn't remember hiring a driver or a gardener. Bakit nandito siya. At sino naman to.

Napakamot siya ng ulo ng mariin ko siyang tinitigan.

"Ah ma'am. Kinuha ako ng Mommy niyo bilang driver" sagot nito. Tumango ako sa kaniya bago sumakay. Nainis ako ng may inayos pa siya sa unahan ng sasakyan.

Bwesit. Kumukulo na ang dugo ko. Bakit ba sobrang nakakainis ang tao. Male-late ako. Anong aabutan ko sa kasal. Pag nag I do na sila tapos na. Shit. Fuck it.

Anong gagawin ko? Pupunta ako doon tapos sisigaw ako ng itigil ang kasal.

Oh shit. I didn't imagine this.

Kahit sa libro ay hindi ko tinangkang isulat na ganito ang ending ng dalawang bida.

Or ako ang kontrabida dito sa kwento. Ako yung sabit sa pag mamahalan nila. Pero ako ang nauna. We have kids. Ako ang dapat pakasalan.

Pero siya ang huli.

Natampal ko na lamang ang aking noo habang nag iisip.

"Ma'am mukhang problemado ka" saad ng driver.

"Kasi ikakasal ang pesteng lalaking bumuntis sa akin. Letche siya manong. Binuntis niya ako tapos pakakasal siya sa ibang babae. Puputulan ko siya ng kinabukasan manong. Puputulin ko talaga yun kahit nasa simbahan pa kami" I said frustratingly.

"Sumigaw ka na lang ho 'ma'am na itigil ang kasal' para maganda ang entrance" saad niya habang tumatawa pa.

"Manong naman. Para naman akong atribida doon" I said. Kusa nang sumandal ang likod ko sa upuan.

Fuck him. Mababaliw na ako.

"Easy ma'am. Buntis ka. Baka mapano ka. Naka heels ka pa siguro ma'am. Bawal yan sa buntis sabi ng asawa ko" saad ni manong.

Tumingin ako sa paa ko at napangiwi ako. I am wearing slipper. Ang tsinelas ko sa loob ng bahay ang suot ko. Nakagat ko na lang ang labi ko bago nag papadyak ng paa.

"Manong naka tsinelas ako. Isa akong kahihiyan" I shouted inside the car.

"Ayos lang yan ma'am. Mabuti na yun" saad niya.

"Hindi iyon mabuti manong. Nakakainis. Para akong hibang. Hindi kaya pinahithit nila ako bago ako natulog. Manong baka mabaliw ako"

Tinawanan lang ako ni manong.

Nag sisimula ng tumambol ng malakas ang dibdib ko. Parang aalis sa loob nito ang puso ko.

"Manong malayo pa ba?" I asked him. Baka abutan ko doon ay nakalabas na sila ng simbahan. Hindi na ako makakasigaw. Ang bagal ng usad ng sasakyan. Mag iisang oras na ako rito. Pag nag tagal pa ay wala na akong aabutan doon. Fuck.

"Nandito na tayo ma'am" saad niya. Lumabas siya ng sasakyan at inalalayan akong makalabas.

The church door was close. Tapos na ba? Or nag mimisa na. Paano kung tapos na.

"Ma'am dalhin mo po itong bulaklak. Diba puputulin mo yung kasiyahan ng lalaking bumuntis sayo. Alayan mo na rin ng bulaklak ma'am para kompleto" saad niya. He gave me a white bouquet of flower. I smile at him.

"Thanks for this manong. Lalagyan ko na rin ng maliit na lapida" I said to him.

He just smile to me. Agad kong tinungo ang pinto ng simbahan at tinulak iyon. Kinakabahan pa rin ako. Paano kung tapos na nga. Paano kung wala na sila. Paano kung nasa venue na sila.

Nanginginig na ang kamay ko habang hawak ang bulaklak. The door open widely. Halos nanlambot ang tuhod ko sa nasaksihan. Damn it. Ano to.

My eyes watered at nag unahan ng tumulo ang mga luha ko. Dinaluhan ako ni Daddy at Dad. Pareho nilang hinawakan ang mag kabilang bisig ko. My Daddy dry my tears pero tumutulo pa rin ito ng tuloy-tuloy.

"Daddy. Daddy am I late or sa maling simbahan ako napunta?" Tanong ko sa kaniya habang tinitignan ang paligid ko.

"Of course not sweetheart. Nasa tamang simbahan ka" saad niya sa akin.

I look at the whole church again. Naririto ang mga kaibigan ko. Ang pamilya ko. At ilang mga kaibigan ni Dwayne. The church was elegant. Maganda ang desinyo ngunit kaunti lamang ang naroroon. Mostly ay mga kakilala ko at mga close ko ang naroroon. Naroon din ang pinsan kong si Issa.

Is this my Wedding?

"Dad. Dad ano to?" I asked my adoptive father. He just smile at me bago nag simulang mag lakad sa pulang carpeted aisle.

"This is your wedding my Ellexia. You already hug too much pain. Its time for you to be happy right Elmo" saad ni Dad sa ama ko. Tumango naman siya habang sabay nila akong ihinahatid sa lalaking naka abang sa dulo ng pasilyong ito.

Akala ko nahuli ako.

Akala ko hindi na niya ako nahintay.

Damn his ways.

"Ingatan mo yan. Alam kong tiklop ka sa kaniya pero stand for sometimes okay Dwayne. Baka iwanan ka ulit ng anak ko" saad ni Daddy bago ibinigay ang kamay ko kay Dwayne.

"Opo Daddy. I'll be a man sometimes" he said bago pilit na inagaw sa ama ko ang kamay ko.

Kahit ba sa simbahan ang bibig niya umaangat pa rin sa lupa. Sa sobrang inis ko ay inapakan ko ang paa niya kaya siya napasigaw ng malakas.

Nag tinginan naman ang mga tao sa amin. I hear my Raven chuckle kaya tumingin ako sa kaniya.

He gave me a thumbs up. Kaya alam ko na nakita niya ang ginawa ko sa ama niya.

Mag dusa siyang gago siya. Nalalimutang kong mag suot ng maayos na sapin sa paa dahil sa kaniya.

He's My Teacher (El Señorita Series #1)Where stories live. Discover now