Chapter 15

3K 76 2
                                    

"Sabi ko naman kasi maupo ka muna bwesit ka" sigaw ko kay Yuri. Hindi ito mapakali dahil sumasakit na raw ang tiyan niya.

Hindi pa dumarating ang sasakyan na mag dadala sa amin sa hospital. Kanina pa ito hindi mapakali dahil siguro sa sakit.

"Sabi ko naman kasi na lalabas na sila" sigaw nito habang mahigpit ang kapit sa towel.

Tumatawa naman si Larissa habang karga niya si Lance.

"Huwag kang tatawa letche ka. Ganito ka rin noong manganganak ka. Mas malala pa bwesit ka" matalim na saad niya kay Issa.

Tinikom naman nito ang bibig bago pilit na kinagat ang labi. Hindi pa rin maalis ang ngisi sa labi nito.

Nang dumating na ang sasakyan ay agad namin siyang hinatid sa hospital. Ang anak ko ay halos ayaw mag paiwan sa bahay kaya sumama ito sa akin.

"Tita was mad Mom" Raven told me while looking at bestfriend.

"No honey. The baby in tita's tummy want to go out" sagot ko sa bata. Sinilip naman ni Raven ang palda na suot ni Yuri kaya sumigaw ito.

"Walang hiyang bata. Gusto na ba niyang pumasok sa tiyan ko. Pigilan mo ang anak mo Mayumi" sigaw nito.

Raven look at me puzzled.

"There's no baby" sagot nito sa akin. Tawang-tawa naman si Issa na nakaupo sa pinaka likod ng van.

"Raven hindi pa nalabas ang baby. Wala pa. Kaya huwag kang sisilip okay" saad ni Yuri. Kinuha ko naman ang anak ko na ayaw paring alisin ang tingin sa tiyan ng kaibigan ko.

"Mom don't put baby on your tummy. It will cry" saad niya habang matalim ang tingin kay Yuri.

"Huwag mo akong tignan ng ganiyan Raven. Hindi pa umiiyak ang anak ko" saad nito sa anak ko.

"Huwag mong sigawan ang anak ko" matalim kong sabi sa kaniya.

"Kasi naman. Tignan mo kung makatingin sa akin para na akong lalamunin ng anak mo" sagot nito.

Buong byahe na nakatingin si Raven kay Yuri ng matalim. Hindi ko alam pero gusto na ng anak ko na hugutin ang bata na nasa tiyan nito para mailabas lang. Hindi pa rin ma alis ang ngisi sa labi ni Issa.

We reach the hospital and it took 6 hours before the baby came out. Hindi naman daw nahirapan sa panganganak ni Yuri pero wala pa rin itong Malay hanggang ngayon.

"Issa bababa lang ako para bumili ng pag kain. Bantayan mo si Raven" saad ko sa kaniya ngunit umiling ito.

"Paakyat na dito si Marsha. May dala yung pag kain. And Lexus will be here any time soon" saad nito while scrolling her phone.

"What. Lexus!" Pasigaw kong sabi sa kaniya.

"Easy ka lang. And yeah pupunta dito si Lexus" saad niya.

"Daddy" pareho kaming napatingin ni Issa sa bata ng bangitin iyon.

Bigla naman akong nalungkot ng marinig ko iyon mula sa labi ng anak ko. I look at him while he look away from me. Minsan iniisip ko kung tama nga ba ang ginawa ko. I didn't know if it was the right thing to do. But I don't know how to explain. Hindi ko alam kung bakit ang hirap sabihin sa kaniya na hindi niya pwedeng makita ang ama. Na nahihirapan ako kapag sumasagi sa isip ko ang lalaking sumugat sa puso ko.

"Explain to him. Baka maintindihan ng pamangkin ko Yumi" saad ni Issa sa akin. She off her phone before looking at my son.

"Naaawa ako sa anak ko Issa" totoo iyon. Sobrang naaawa ako sa anak ko. Hindi niya nasilayan ang ama kahit isang beses. Pero oras na malaman niya na may anak siya sa akin ay hindi ko kakayanin. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Wala pa sa isip ko ang mga bagay na iyon. Ngayon gusto kong akin muna ang anak ko. Ako lang muna.

He's My Teacher (El Señorita Series #1)Where stories live. Discover now