Chapter 8

3K 74 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong pumasok ulit. Wala pang masyadong tao sa school hindi tulad pag nalalate ako na nakikisiksikan ako para makapasok sa gate. Hindi ko pala nadala kahapon ang bulaklak at paper bag na binigay ni Lexus. Naroon pa kaya yun sa office ni Dion? Or maybe baka sa basurahan na ang bagsak nun.

"Very early" sambit ni Issa habang binababa ko ang bag ko sa upuan ko. Ang aga talaga ng babaeng ito. Dito siguro siya natutulog. Dito nga nag aalmusal eg.

"Gusto mo?" Iminwestra niya ang pag kain sa harap ko at isang coffee. Umiling ako at naupo.

Baka kulang pa yan sa kaniya. Narinig ko naman ang mahinang sabi niya ng

"Ang arte" kaya tinignan ko ito. Sumingkit ang mata niya ng binigyan niya ako ng isang pilit na ngiti.

"Huwag kang ano dyan. Kulang pa yan sa'yo Issa cousin. Alam ko namang ang kain mo pang isang buwan na"

Halos ibuga na niya ang kinakain at na ubo pa ito. She drink her coffee para tumigil ito sa pag ubo but it couldn't just stop.

"Letche ka" saad niya habang panay pa rin ang ubo niya. Tumatawa naman na pumasok si Yuri habang tinuturo pa si Issa na nabilaukan.

"Sabi ko kasi girl mag dahan-dahan sa pag kain. Takaw mo eh" natatawa kong sabi sa kaniya.

Ibinato niya sa akin ang paper bag na pinaglagyan niya ng almusal niya habang hindi pa rin natigil sa pag ubo. Tawa pa rin ng tawa si Yuri at halos masira ang desk sa hampas nito

"Good Morning" saka lang natigil sa pag tawa si Yuri ngunit umuubo pa rin si Issa. Hirap ito na pigilan ang ang ubo niya kaya muli siyang uminom ng kape.

The room become quiet suddenly when he enter. Binukas niya ang libro niya  at pasimple akong tinignan.

Binagsak ko ang tingin ko papel at nag simula ng mag sulat ng mga lesson na tinuturo niya. Hindi ko siya muling binigyan ng kahit isang sulyap man lang.

A knock on the door got my attention. Napasilip ako doon. I saw a man standing outside holding a bouquet of flowers.

"Miss Mayumi Cervantes" tawag nito.

"May nag hahanap sayo. Hindi ka ba tatayo?" Saad niya sa akin. My forehead creased. Why is he so mad last day dahil sa nag padala ng bulaklak and then now he was not.

I stand up and receive the flower bago naupo muli. I look for the card and then look at him afterwards.

'Does it still hurt?'

-babe

Kagat-kagat niya ang kaniyang pen habang nakatingin sa akin. Letche sa dami-dami ba naman nag ilalagay sa card iyon pa.

"Does it still hurt" panunudyo ni Issa sa akin.

"Kaya pala nakakita ako ng kiss mark sa leeg mo. Walang hiya ka. Lagot ka mamaya sa akin" saad nito.

"Ilang langgam ba ang kumagat sa leeg mo? Baka lang naman pwede niya rin kagatin ang leeg ko" nakangisi rin puna ni Yuri.

Inayos ko ang buhok ko para takpan ang marka na iniwan niya sa leeg ko bago ko ito tinignan ng matalim. Umiiling naman siya nag malawak ang ngiti bago nag patuloy mag turo.

Hindi pa rin ako tinitigilan ng dalawa hanggang sa matapos ang klase namin. Sinusundan pa rin ako nila ng mga tanong.

Nag lakad lamang ako ng nag lakad hanggang sa makarating kami sa park.

He's My Teacher (El Señorita Series #1)Where stories live. Discover now